• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye

IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID. 

 

 

Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat ng mga GMA Artists at mga taga-GMA News and Public Affairs.

 

 

Nagbigay-pugay din ang network sa mga frontliners and health workers na patuloy na naglilingkod sa mga apektado ng COVID-19 pandemic at ang mga kababayan nating OFWs na nasa iba’t ibang bansa sa mundo.

 

 

Hinintay naman ng mga televiewers ng noontime show na Eat Bulaga kung sino ang bagong recording artist nila na kasama sa ginawang Christmas carol na “Parating Ang Pasko” na inawit nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng iba pang Dabarkads, sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryzza Mae Dizon , Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Baeby Baste, Maine Mendoza at Alden Richards. 

 

 

Thankful din si Maja Salvador, na since isa na siyang Dabarkads, ay kasama siya sa Christmas Carol, at ang youngest recording star nila, ang four-year old na si Tali Sotto.

 

 

Part ng kanilang Christmas Carol offering, ay ang pamimigay nila ng mga Pamasko sa mga nangangailangan na ipadadala nila saan  mang lugar ng bansa, regalo mula sa mga advertisers nila.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK muli sa primetime si Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, pagkatapos ng huli pa niya noong 2017, ang My Boyfriend Jagiya, sa romantic-drama series na I Left My Heart in Sorsogon, na kasama niya ang new Kapuso leading man na si Richard Yap at Paolo Contis.

 

 

Heart will play the role of a fashion designer and a socialite, si Celeste, na bumalik sa kanyang hometown.  Kaya si Heart, mabilis na naka-relate sa kanyang character.

 

 

“Masaya ako dahil sa role ko, nagamit ko lahat ng mga gifts sa akin ng mga friends kong fashion designers, na nai-model ko ang kanilang mga designs, plus iyong iba pang accessories na gamit ng isang fashion model. 

 

 

Pero siyempre, ang isang aabangan ninyo gabi-gabi ay ang story ni Celeste, ng kanyang family at ang dalawang lalaking nagkaroon siya ng relasyon.”

 

 

Kung natatandaan pa ninyo ang morning teleserye noon ni Richard na Be Careful With My Heart, ibang-iba raw ang role niya rito bilang si Tonito.

 

 

“Sa new role na ginawa ko, si Tonito ay masyadong giving, minsan to a fault… hindi ko yata magagawa iyon sa totoong buhay. Pero may matututunan ang mga viewers dito, yung kung matututo kang magmahal, you can give love until it hurts, kahit hindi mo alam kung it will be reciprocated.”

 

 

Labis naman palang natuwa si Paolo as Mikoy na dating boyfriend ni Celeste, dahil bukod sa story ng serye, ay muli siyang nakaganap ng mabait na role.

 

 

“I’m happy that GMA chose me, to be honest.  May nakita sila na Mikoy in me and I’m very thankful that they gave me this opportunity to do a ‘mabait’ na role on television.”

 

 

Mapapanood na simula ngayong gabi, ang world premiere ng I Left My Heart In Sorsogon, sa GMA-7, pagkatapos ng 24 Oras.  Bonus na handog ng GMA ay mapapanood natin ang mga magagandang lugar sa Sorsogon.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Obiena umaasang muling makakasama sa Philippine team

    SA pagbabago ng liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay umaasa si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na muli siyang mapapasama sa national team.     Nagbitiw si Philip Ella Juico sa kanyang puwesto bilang PATAFA president noong Hunyo para tutukan ang ‘personal and business interests’ niya at pinalitan […]

  • PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers

    Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan.     Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions.     “Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, […]

  • Crowd estimates sa mga campaign rallies, “masamang” at “maling” basehan para sa resulta ng halalan

    MASAMA at mali na “panghawakan” o pagbasehan ng mga kandidato ang pagkapanalo dahil lamang sa dami ng tao na sumama sa kanilang campaign rallies.     Ito’y matapos na kitang-kita ang pagdagsa ng mga tao sa campaign sorties ng mga kandidato para sa May 9 national at local elections sa gitna ng coronavirus disease 2019 […]