• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para-athletes ng bansa may courtesy call kay Pangulong Marcos

NAKATAKDANG magsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga para-athletes ng bansa na sumabak sa katatapos ng 2024 Paris Paralympics.

 

 

Gaganapin ang heroes welcome sa darating na Huwebes Setyembre 12 ng hapon.

 

 

Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nais lamang ipakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang buong suporta sa mga manlalarong Pinoy.

 

 

Kahit na bigo ang mga Para-athletes ng bansa na makasungkit ng mga medalya ay nakita umano ng pangulo ang ginawa nilang pagpursige para makalaban.

 

 

Ang mga para-athletes ay binubuo nina gustina Bantiloc, para taekwondo jin Allain Ganapin, para wheelchair racer Jerrold Mangliwan, para javelin thrower Cendy Asusano at para swimmers Angel Otom at Ernie Gawilan.

Other News
  • BFP, itinaas sa code red simula ngayong Lunes para sa yuletide season

    Naka-full alert status o Code red na ang Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 para sa yuletide season.       Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na papairalin ito hanggang sa Enero 2, ng susunod na taon.     Ito ay alinsunod sa Oplan Paalala: Iwas-Paputok ng ahensiya. […]

  • Ads December 14, 2024

  • Ilang kalsada sa Maynila, isasara

    ILANG kalsada sa Maynila ang isasara na simula mamayang gabi para sa panggunita ng Undas.   Sa abiso ng Manila Traffic Enforcement Unit at lokal na pamahalaan ng Maynila, simula alas 7 ng gabi hanggang Nob.3 ay hindi na madaanan ang mga sumusunod na mga kalsada.   Kabilang sa mga isasara na kalsada ay ang; […]