Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City.
Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang pagkamatay ng 18 taong gulang na si Edwin Arnigo, taong may autism na di umano’y nang-agaw ng service firearm ng isa sa mga nag respondeng police officers sa nasabing operasyon.
“Meron daw pinatay na 18 taong gulang na autistic. Aba’y tinamaan ng ano… Kailangan… At pulis pa daw diyan sa Valenzuela. Aba, kailangang maibestigahan ito,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show na “Counterpoint.”
Umaasa si Panelo na magsasagawa ng impartial probe si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar, lalo pa’t malabong masangkot sa “gun scuffle” si Arnigo.
“Hindi tayo papayag na special child eh nanlaban daw. Teka muna, paano manlalaban ang special child na ito eh hindi naman marunong humawak ‘to ng baril ,” anito.
Nauna rito, nagsagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Arnigo.
Ipinag-utos na rin ni Eleazar ang administrative relief ng apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Arnigo.
Ang apat na pulis na sinibak sa puwesto ay sina M/Sgt. Christopher Salcedo and Corporals Kenneth Pacheco, Rodel Villar, at Rex Paredes.
Tiniyak naman ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na walang magiging cover-up sa imbestigasyon sa pagkamatay ng binatang may autism sa Valenzuela.
Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.
Sinabi ng pulisya na nang-agaw umano ng baril si Edwin kaya nabaril. Pero pinabulaanan ng pamilya ng biktima ang pahayag ng mga awtoridad.
Samantala, walang dapat na ikatakot ang mga testigo para sabihin ang kanilang nalalaman sa insidente.
“Alam po ninyo, kailangan matigil lahat ito. Kaya tama itong ginagawa ni Gen. Eleazar, nagiging pursigisdo siya na linisin yung mga rascal diyan sa loob ng PNP at maging masigasig din siya sa pagtugis ng mga kriminal at bigyan ng solusyon lahat ng problemang naka-atang sa kanila,” ani Sec. Panelo. (Daris Jose)
-
PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan
NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo. Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, […]
-
Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team
LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition […]
-
Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang […]