Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19
- Published on October 9, 2024
- by @peoplesbalita
FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin.
“So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang ng bayan!
“So proud na proud ako doon kasi konti na lang ang tumatawag sa akin ng Wilma Doesnt.
“Minsan magugulat ka paglingon mo, ‘Lola, ang tawag niyo sa akin Ninang Josa?!’
“So ako na talaga si Ninang, by the name, Josa,” tawa ng tawang tsika sa amin ni Wilma.
And Analyn of course ay ang bida ng serye na si Jillian Ward.
Magtatapos na sa October 19, 2024, umere ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa loob ng mahigit dalawang taon.
At dahil magtatapos na ang serye, magpapahinga muna si Wilma.
Tututukan muna niya ang kanyang negosyong five-star carinderia, ang Chicks Ni Otit sa Tagaytay at sa Cavite.
Posible raw na magtayo na sila ng ikatlong branch nitoMay mensahe si Wilma para sa mga tumatangkilik ng Chicks Ni Otit. “Ay maraming, maraming, marami at walang hanggang pasasalamat po sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa aking 5-star carinderia.
“Alam niyo ho yan, ang puso ko po ay talagang maligaya dahil isa lang po ang lagi kong naiisip; ang lahat ho ng pera niyo ay pupunta sa bulsa ko,” ang humalakhak na wika ni Wilma.
***
BILANG miyembro ng sikat na K-pop girl group na Lapillus, masaya si Chanty Videla na umaalagwa rin maging sa ibang bansa ang mga Pinoy groups, tulad ng SB19.
“Ano po, I feel so proud and siyempre kasi yung mga Filipino naipapakita natin sa international stage na kaya rin natin yung mga ginagawa ng mga K-pop or kahit na sino man yan,” pahayag ni Chanty.
“And magagaling naman po kasi talaga ang mga Pilipino lalo na po sa pagkanta and kilala rin po tayo na magagaling na singers.
“So I’m happy na isa po ako sa mga Filipino na may opportunity to share our talents po in the international stage, just like SB19.”
At dahil maganda at matangkad, natanong namin si Chanty kung may plano siyang sumali ng beauty pageant.
Lahad niya, “Isa po yun sa mga dream ko rin po in the future. Hopefully yeah, matagal-tagal po siyang preparation, so yeah.”
Nasa GMA teen show na MAKA si Chanty kasama sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.
Napapanood ito tuwing Sabado, 4:45 ng hapon.
(ROMMEL. L. GONZALES)
-
Paghahamon ni Pacquiao dahil sa ‘frustrations’ vs anti-Asian hate crimes – trainer Somodio
Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin. Sa panayam kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala siya na maaaring nasasaktan na rin ang […]
-
Jim Caviezel Stars in the Highly-anticipated Edge-of-your-seat Thriller “Sound of Freedom”
FROM his unforgettable role in the phenomenal global hit “The Passion of the Christ”, Jim Caviezel stars in the highly-anticipated edge-of-your-seat thriller “Sound of Freedom”. This year’s most successful independent film, “Sound of Freedom” is a powerful story of heroism based on incredible events in the life of Tim Ballard played by Caviezel. The […]
-
Pagdanganan sumuporta sa panalo ni Saso sa US
BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas). Ganunpaman, nagsadya pa ang LPGA sophomore pro sa […]