• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para manahimik ang mga Marites na ayaw siyang tantanan… AJ, dapat nang magpakita ng proof na ‘di siya nabuntis ni ALJUR

AYAW na ba ni KC Concepcion sa showbiz? Mas gusto na lang ba niya ang gigs niya abroad?

 

Hindi kasi napapanood si KC sa anumang local show kaya nagtatanong ang kanyang mga followers bakit di active ang dalaga sa local showbiz.

 

Isa pang tanong nila ay kung pinababayaan ba ni KC ang kanyang sarili?

 

Bothered ang mga fans ni KC sa nakita nilang pictures ng dalaga dahil ang tingin nila ay tumataba ito. Malayo ito sa image ni KC na payat, athletic ang dating at conscious sa kanyang health.

 

Sinilip namin ang IG account ni KC at parang di naman siya mukhang “mataba” sa aming palagay.

 

 

Pero obvious na ini-enjoy ng panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concecpcion ang kanyang trip abroad.

 

 

Sa kanyang post sa IG {@kristinaconcepcion} Occupational hazard ba ito?? In Florida to do some ‘meet & greet’ with FilmAms on this side of America. Mabuti na lang at walang humabol sa akin na stingray sa dagat na iyan at nakakanta pa ako sa private event! Hahaha stress?! “Thank you for having me up close and personal NYC and Florida! Til the next time gigs…Mahal ko kayo. (smile emoji).”

 

***

 

HOT topic para sa Raval sisters na sina Vanessa at AJ ang ‘Machete’ lead actor na si Aljur Abrenica.

 

Sinabi raw nitong si Vanessa na susunugin niya ang bahay ni Aljur kung totoo ngang nabuntis nito ang kapatid niyang si AJ.

 

Tila umiikot lang sa isyung nabuntis ni Aljur ang isa sa Raval sisters at ini-enjoy naman nung dalawa babae ang kanilang 15 minutes of fame.

 

Sino ba si Vanessa? Artista rin ba siya? Kasi ang kilala lang namin ay si AJ dahil nakakausap namin siya sa mga presscon ng movies niya sa Vivamax.

 

Laman ng internet sina Vanessa at AJ pero ang laging issue na kakabit mga pangalan nila ay ang pagbubuntis diumano ni AJ courtesy raw of Aljur.

 

Kahit nag-deny na si AJ tungkol sa issue ay ayaw pa rin siyang tantanan ng netizens. Siguro dapat magpa-checkup si AJ sa isang well-known hospital to debunk the claim na siya ay buntis.

 

Malagpasan man niya ang buntis isyu, tiyak na susunod na hirit ng mga intrigero eh pinalaglag ang bata.

 

Yes, that worst. Kaya para manahimik ang mga Marites dapat magpakita ng proof si AJ na hindi siya buntis.

 

Pero teka muna, ‘di ba dapat ang burden of proof ay nasa accuser? So ‘yung mga nagsasabi na buntis si AJ, may pruweba ba sila sa kanilang isinasatsat?

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 1st medal posibleng manggaling kay Yulo PUNTIRYA ni world champion Carlos Yulo na maibi­gay ang unang medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

    Sasalang si Yulo sa men’s individual all-around sa Hulyo 27 na magsisilbing qualifying round para sa tsansang makapasok sa final round.         Idaraos ang final round ng men’s all-around sa Hulyo 31.     Target ni Yulo na makapasok sa Top 3 sa men’s all-around.       Pakay din ni Yulo […]

  • Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide

    MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16.   Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.   Inanunsyo ito ng GMA […]

  • 3 drug suspects isinelda sa P90K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P90,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Topher”, 27, (pusher) ng Brgy. 120, alyas “Junior”, 42 ng 10th […]