Para mapigilan ang maling paggamit sa gitna ng eleksyon … DSWD, tiniyak ang mas mahigpit na AKAP guidelines
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
MULING tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na magkakaroon ang ”Ayuda para sa Kapos ang Kita” Program (AKAP) ng mas mahigpit na safety protocols at mananatiling transparent, base sa panukalang guidelines.
Binigyang diin ni Gatchalian ang ‘collaborative effort’ sa pagitan ng DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), at National Economic Development Authority (NEDA) para palakasin ang mga alituntunin at tiyakin na nasa ayos ang mga pananggalang para mapigilan ang maling paggamit ng pondo.
Sa kanyang veto message matapos lagdaan ang General Appropriations Act (GAA) of 2025, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring magpatuloy ang DSWD sa pag-rollout ng AKAP matapos na aprubahan ang ‘updated at clearer guidelines’ na binuo sa pakikipagtulungan sa DOLE, NEDA, at DSWD.
“The revised guidelines are currently under review by the Office of the President and the Department of Budget and Management, and reiterated that they were crafted to strengthen safeguards and prevent political partisanship ahead of the midterm elections,” ayon sa Kalihim.
Kabilang sa mga pangunahing safety measures ay ang paglalathala ng mga pangalan ng benepisaryo at mas mas mahigpit na pagbabawal sa mga political candidates na maugnay sa AKAP payout activities.
Sa kabilang dako, kumpiyansa naman si Gatchalian na ang updated guidelines ay makatatanggap ng pinal na pag-apruba mula kay Pangulong Marcos, na sa huli ay makapagpapalakas sa public trust sa programa.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na napakinabangan ng 4 milyong Filipino ang AKAP noong 2024.
Layon ng programa na makapagbigay ng financial assistance sa low-income at minimum-wage earners, partikular na sa mga apektado ng inflation at economic challenges.
Target nito ang vulnerable sectors, kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa mula sa informal economy, para mapagaan ang kanilang pasanin sa pananalapi. (Daris Jose)
-
Ads September 8, 2022
-
Serena Williams umatras na sa pagsali sa US Open
Umatras na si Serena Williams sa pagsali sa US Open. Sinabi nito na hindi pa gumagaling ang kaniyang torn hamstring injury kaya minabuti niyang umatras sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo. Natamo nito ang kaniyang injury sa nagdaang Wimbledon. Dahil dito ay naging malabo na makamit nito ang […]
-
Sa halip na 8-5pm7-4pm pasok sa gobyerno irerekomenda ng MMDA
IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-adjust ng mas maaga ang pasok sa lahat ng national government agencies (NGAs) sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng adjusted working hours na ipinatutupad ng local government units na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Sakaling maaprubahan ang rekomendasyon, […]