• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo

MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya.

 

 

“Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo.

 

 

“Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami mo ng hindi papansinin, feeling mo yung pagiging famous mo is revenge sa kaaway mo or whatever.

 

 

“So, kumbaga do the music because you wanna do the music, don’t do it because you wanna get back at a person, don’t do it dahil gusto mo lang magyabang, gawin mo yung music or yung talent mo dahil gusto mong i-share, dahil gusto mo lang na sumikat bilang singer or musician.

 

 

“Iyon lang siguro. Huwag lalaki ang ulo.”

 

 

Magkakaroon ng concert si Nina sa November 8, 2023 sa Samsung Hall ng SM Aura Sa Taguig City na pinamagatang Only Nina.

 

 

For the first time ang director ni Nina sa kanyang concert ay si John Prats.

 

 

Ang musical director ng Only Nina ay si Bobby Velasco at available ang tickets sa SM Ticket outlets at online via smtickets.com at sa District One sa BGC.

 

 

Produced ito ng Vera Group Inc. at co-produced ng District One.

 

 

***

 

 

MULI na namang nagbigay ng karangalan sa bansa ang dalawang groundbreaking series ng GMA Entertainment Group na “Voltes V: Legacy” at “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

 

Iyan ay matapos humakot ng parangal ang mga programa ng GMA Network sa 2023 Asian Academy Creative Awards. Kabilang diyan ang “Voltes V: Legacy” na magiging pambato ng Pilipinas sa dalawang kategorya: ang Best Animated Programme or Series (2D OR 3D) at Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film.

 

 

 

Nanalo rin ng National Award for Best Theme Song ang soundtrack ng “Maria Clara at Ibarra” na “Babaguhin Ang Buong Mundo” na kinanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

Bilang mga National Winner, magiging kinatawan ng Pilipinas ang mga naturang programa sa Grand Awards and Gala Final na gaganapin sa December 7.

 

 

 

Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa world-class entertainment sa iba’t ibang platform gaya ng telebisyon, digital, streaming, at iba pa.

(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno

    MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo.     Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at […]

  • Grateful na na-nominate bilang ‘Darling of the Press’: ALFRED, gustong makasama uli sa movie si NORA after ‘Pieta’

    NAKATUTUWA na 18 years na pala ang samahan ng Solid Friends ni QC Councilor Alfred Vargas.   Ayon sa mahusay at mabait public servant, “meron kaming special anniversary celebration sa SM Novaliches this July 16 to celebrate our anniversary.   “Ito yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong JULY 4, […]

  • CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon

    NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries.   Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang […]