Para talagang nagalit kaya nag-walkout: MARIAN, pinaiyak nang husto si IVANA sa ginawang prank
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa prank ni Marian Rivera kay Ivana Alawi kung saan napaiyak niya ito nang bonggang-bongga!
Pero bago ang tsika about that, shall we say na ang ganda-ganda ng bahay nina Marian at Dingdong Dantes at suwerte si Ivana na pumayag ang Dantes couple na sa bahay ng mga ito i-shoot ang vlog niya kung saan guest si Marian.
Eto na ang kuwento, ‘mukbang’ sana ang vlog nina Marian at Ivana, pero bukod sa kakaunti ang pagkain ay na-late pa ng halos isang oras si Ivana.
Okay na sana at nagru-roll na sila na sa simula ng vlog ay very vocal si Ivana na idolo niya si Marian.
Lahad ni Ivana, “Pinakamaganda at pinaka-idol ko, Ms. Marian Rivera.”
Sinabi naman ni Marian na bihira siyang pumayag na may makapasok at mag-shoot sa kanilang bahay.
“Bihirang-bihira ako tumanggap ng nag-i-interview sa akin na ginagawa dito sa bahay, isa ka dun sa nag-yes ako, oh di ba?,” pahayag ni Marian.
Sa bandang huling ng vlog, biglang naalala ni Marian ang pagiging late ni Ivana, sabay-sabing ang pinaka-ayaw niya ay ang late dahil siya mismo ay hindi nale-late.
Hanggang nairita at tumayo si Marian at pinaaalis na sina Ivana at ayaw nang ipatuloy ang shoot sabay-walkout!
Dito na hindi na napigilan ni Ivana na umiyak habang nanginginig kaya naman biglang bumalik si Marian sabay-sabing, ‘Hindi ko na ‘to kaya, yayakapin na kita,’ habang tumatawang ini-reveal na isang prank lamang ang lahat.
Habang yakap ang patuloy na umiiyak na si Ivana ay ibinulgar ni Marian na pakana ang lahat ng younger sister ni Ivana na si Mona.
“Wala na, wala nang tatalo sa prank na ‘to, yung pinrank ka ng idol mo,” ang patuloy na umiiyak na emote ni Ivana.
At dahil kaarawan ni Ivana ay naglabas ng birthday cake si Marian at pina-blow, sabay-kiss at muling yumakap kay Ivana.
Lumabas rin ang mister ni Marian na si Dingdong na nakapambahay lamang at kalong ang anak nilang si Sixto na bumeso at bumati rin kay Ivana.
In fairness, napakahusay talagang aktres ni Marian dahil kahit sinong nakapanood ng vlog ay inakalang tunay siyang nagalit at nagtataray.
***
SA wakas, makalipas ang dalawang taon ay mapapanood na ang isa pang reyna ng GMA sa telebisyon, si Jennylyn Mercado.
Magpe-premiere na sa January 15, 2024 ang ‘Love. Die. Repeat.’ sa GMA Telebabad.
Nahinto ang taping ng nabanggit na serye dahil nabuntis si Jennylyn at nanganak noong April 25, 2022 sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.
At sobrang thankful si Jennylyn dahil hindi siya pinalitan ng GMA bagkus ay hinintay siya hanggang ready na siyang muling magtrabaho.
Lahad ni Jennylyn, “Naging patient sila, thankful ako sa kanila kasi talagang, Diyos ko, ang tagal ng dalawang taon, di ba? Parang ang daming na nilang pwedeng gawin, di ba?
“And siyempre, nagpapasalamat ako sa GMA, kina Xian, sa mga co-artists ko, sa buong production dahil inantay pa rin nila ako kasi puwede namang iba na lang, palitan nila ako pero inantay pa rin nila ako para mangyari itong show na ‘to, so thank you.”
Aminado si Jen na marami siyang adjustments sa kanyang pagbabalik-taping lalo na at maraming nagbago sa kanyang katawan matapos manganak.
Nasa cast rin ng ‘Love. Die. Repeat.’ sina Xian Lim, Mike Tan, Samantha Lopez, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Valeen Montenegro, Nonie Buencamino, Malu de Guzman, Faye Lorenzo, Victor Anastacio at Valeri Concepcion. Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.
Ipalalabas ito weeknights, simula January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, sa GTV (10:50 p.m.), Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.
(ROMMEL L.GONZALES)
-
Direk PERCI, thankful sa successful run ‘Paano ang Pangako?’ na finale na ngayong Black Saturday
SA Black Saturday na ang finale ng Paano ang Pangako?, ang top-rating teleserye ng The IdeaFirst Company, Cignal at TV 5. May marathon viewing ang finale from 2 pm to 7 pm on Black Saturday kaya yung mga fans ng Paano ang Pangako?, tutok na para malaman ang magiging ending ng successful teleserye […]
-
Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors
INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa. “Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa […]
-
Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer
LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer. Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan. Sa kanyang YouTube channel, […]