Paraan ng ginawang rejection sa resignation ni Speaker Cayetano ng mga kongresista, legal – Sec. Roque
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, legal at walang mali sa ginawang botohan sa hanay ng mga Kongresista kasunod ng mosyon ni Congressman Mike Defensor na i- reject ang ginawang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Bilang isang abogado ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang nangyaring paglabag sa rules kaugnay ng nangyari kahapon sa plenaryo na kung saan, ikinasa ang botohan kaugnay sa mosyong hindi dapat tanggapin ang resignation ni Cayetano. Lahat naman aniya ng dinedesisyunan ng Kongreso ay ginagawa sa plenaryo gaya ng nangyari kahapon.
Bukod dito ay wala ring bisa aniya ang resignation ni Cayetano matapos na hindi tanggapin ng mayorya ng Kamara.
Malinaw aniya na ang pagbibitiw ni Cayetano ay pagtupad sa usapan iyon nga lamang aniya ay hindi tinanggap ng kanyang mga kasamahan.
“Oo—tinatanggihan iyong resignation niya ‘no. So, parang ako noong nagtalumpati si Speaker Cayetano eh narinig ko naman talaga na nag-resign siya hindi nga lang tinanggap,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas
INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards. Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas […]
-
Ads October 30, 2021
-
KEN’S A 10 IN HIS OWN MUSIC VIDEO “JUST KEN” FOR “BARBIE” MOVIE
GET in Ken’s head and feel the Ken-rgy Watch Ryan Gosling get emotional as Ken in the music video “Just Ken.” “Barbie,” directed by Greta Gerwig and featuring a star-studded cast led by Margot Robbie and Gosling, opens in Philippine cinemas July 19. “Just Ken” on YouTube: https://youtu.be/t0F0_jYez20 Facebook: https://fb.watch/lLw5tVTMHj/ The highly […]