• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parang magkapatid lang ang turingan: Anak ni SUNSHINE na si ANGELINA, mas priority ang pag-aaral kesa mag-showbiz

KUHANG-KUHA ang inis at gigil ng netizens at viewers ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa nangyayari ngayon sa kuwento, lalo na sa pagtira ng karakter ni “Lena” na ginagampanan ni Mercedes Cabral, sa bahay ni “Rigor” na ginagampanan ni John Estrada, kasama ang legal na misis na si “Marites” na si Cherry Pie Picache naman ang gumaganap.
“Napaka-tanga mo, nuknukan ka ng katangahan, sobrang pagkamartir mo na,” deretsahang banggit pa ng magaling na aktres na si Irma Adlawan sa kapwa niya premyadong aktres na si Cherry Pie Picache.
Ito ay nang tanungin ng karakter ni Olga na ginampanan ni Irma sa seryeng “Batang Quiapo” si Cherry Pie kung bakit nagpapakamartir na sinagot naman ni Maritess na ginampanan naman ni Cherry Pie na mahal daw niya ang asawa at matagal na raw na nagtiis ito sa kanya kung kaya hindi raw niya basta na lang tatalikuran.
Ang ganda ng batuhan ng dayalog na yun at talaga namang magpapahanga ang lahat.
Maraming mga viewers ang nainis at nanggigil sa galit sa sinagot na yun ni Cherrie Pie na talagang nahpapakamartir nang husto para sa asawang ginampanan naman ng over sa galing pa rin na si John Estrada.
“Sige, sabihin na natin, mahal mo talaga ang asawa mo. Pero napakatanga mo naman! Nuknukan ka na ng katangahan. Pero hindi naman ibig sabihin na tanga ka, hahayaan mo na lang na bastusin ka nila, lulunukin mo ang dignidad mo?” Sunod sunod na over naman sa katapanggang ng karakter ni Irma na relate naman sa mga manonood.
“Grabe hahaha, para sa mga rukrukan ng katangahan… ito ang word!”
“Nakakainis si Olga bilang nagpapanggap na kaibigan, pero on point ang mga sinabi Nina!”
“Hayup, tama naman eh hahaha, papayag ka ba na kasama mo sa iisang bubong ang Kati?”
“Parang di na makatotohanan no? Pero for sure nangyayari ‘yan, may mga ganiyang set-up.”
Kaya for sure lalo ng hindi na binitawan ng mga tao ang Batang Quiapo

Kaaliw di po ba?

***
PARA lang daw silang magkakaibigan kung magturingan.
Ito ang deretsahang tugon ni Angelina Cruz nang tanungin kung kumusta ang relasyon nila ng inang si Sunshine Cruz.
Hindi naman itinago ni Angelina ang pagiging disciplinarian ng ina na lalong-lalo na raw nung panahon bg nasa teens pa siya.
“Ako yung panganay sa dalawang kapatid and we’re all girls.” Bangggit pa ni Angelina.
Pero iba na raw ngayong nasa 22 years old na siya. Maraming mga kalayaan na ibinigay sa kanya ng Ina niya, huh!
“I feel like our relationship is dynamic,” sey pa ni Angelina.
Parehong nasa showbis ang ama at ina ni Angelina balak din ba niyang sumunod sa yapak ng mga Ito ?
“Ngayon I’m not really full-time showbiz because I’m a fourth-year college student,” banggit pa ni Angelina na laging nasa dean’s lister.
Hindi ba nila napag-uusapang mag-ina ang pagpasok niya sa showbiz?
“Yes, I’ve talked about that with her,” maiksing tugon pa ni Angelina.
May mga advices din daw naman sa kanya ang inang premyadong aktres.
“She just keeps telling me to always work hard and to know that showbiz is a commitment, and I should be really serious with it. Just do what I love,” lahad pa rin ni Angelina.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Serena Williams umatras na sa pagsali sa US Open

    Umatras na si Serena Williams sa pagsali sa US Open.     Sinabi nito na hindi pa gumagaling ang kaniyang torn hamstring injury kaya minabuti niyang umatras sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.   Natamo nito ang kaniyang injury sa nagdaang Wimbledon.     Dahil dito ay naging malabo na makamit nito ang […]

  • Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”

    PINAGTANGGOL ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra  na iwasan na ang red-tagging nang walang  konkretong ebidensiya.     Ang buwelta ni   NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang […]

  • PBBM, PINURI ANG MGA KASAMA SA MATAGUMPAY NA PAG-ARESTO KAY DATING CONG. TEVES SA TIMOR-LESTE

    PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at international partners sa matagumpay na pag-aresto kay dating congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.     Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang aksyon para ibalik si Teves sa Pilipinas upang harapin nito ang mga […]