Parang reunion ng mga nakasama sa loob ng 25 years: DINGDONG, excited nang makapag-shoot sa bagong megaserye na ‘Royal Blood’
- Published on March 22, 2023
- by @peoplesbalita
PINAKITA na ang cast ng tila bagong megaserye ng GMA na may titulong ‘Royal Blood’.
Pinangungunahan ito ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ni Mr. Tirso Cruz III.
Kasama rin sa malaking cast sina Rhian Ramos, Megan Young, Mikael Daez, Arthur Solinap, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Benjie Paras at Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo. Si Dominic Zapata ang magdidirek nito.
Ito ang muling paggawa ni Dingdong ng malaking teleserye pagkatapos ng ‘Descendants Of The Sun’ noong 2020.
Heto ang post niya sa Instagram…
“What a reunion! From TGIS to Sana Ay Ikaw Na Nga, to Encantadia, to My Beloved, to Alyas Robinhood, to Stairway to Heaven, to Alternate— I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff, and executives over the past 25 years!
“And now, I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne and Rabiya for the first time. And so here we are, all set for our latest project, Royal Blood. It’s a juicy family drama that will have you on the edge of your seat, guessing whodunit until the very end— think Knives Out, but with a regal twist!
“We’ll be filming soon, and I can’t wait to work with these brilliantly talented folks behind the scenes. Stay tuned for more updates! #RoyalBlood”
Ito ang big project na matagal nang hinihintay ni Rabiya. First big teleserye niya ito pagkatapos niyang gawin noon ang ‘Agimat Ng Agila’.
Post pa niya sa IG: “#RoyalBlood soon on GMA. So blessed to be part of this mystery murder teleserye. Lord, I don’t know what did I do to deserve this pero maraming salamat po talaga.”
Pagbabalik din ito ni Miss World 2013 sa paggawa ng teleserye. Huling teleserye niya ay ang ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ noong 2019 pa. This time magkasama sila ng mister na si Mikael.
“Bonez & Fofo are back on TV. grateful and proud to be a part of GMA’s #RoyalBlood alongside such talented actors. I’m excited to get back to taping!!!
“It’s been so long since I’ve been on the set and I’m soooo excited to be working with Direk Dominic Zapata again! Thank you @gmanetwork for trusting me to be a part of this show,” caption pa ni Megan sa IG post niya.
***
NATATAWA na lang daw si Ashley Ortega sa pamba-bash ng netizens sa kanyang katawan.
Pinuna nga raw ng ilang netizens na flat-chested ito at ang lakas daw ng loob na mag-bikini at i-post sa social media kahit hindi raw siya sexy.
Hindi na lang daw iniintindi ng bida ng GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’ ang mga body-shamers dahil confident siya sa kanyang katawan.
“You feel sexy in your own way. Hindi na dapat natin pinapakinggan pa kung ano mang judgement ng ibang tao,” sey pa ni Ashley.
Ilang beses na raw nagpo-post si Ashley na naka-bikini siya sa social media at puro positive ang feedbacks na natatanggap niya. Ngayon lang daw siya nakatanggap ng pang-ookray noong magbida na siya sa teleserye.
“I try to make it a positive thing. May nagsabi nga sa akin na, ‘Uy, napapansin ka na ngayon kaya naba-bash ka!’ If it’s meant to be a compliment, well then thank you.
“Ang sa akin lang, I work so hard to get where I am now. Hindi ako basta susuko because of what these people are calling me on social media. Let’s all be kind to one another, ‘di ba?” ngiti pa ni Ashley.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DOTr humihingi ng P19.8 B na budget para sa road transport sector
Humihingi ng P19.8 billion ang Department of Transportation (DOTr) sa Senado upang maponduhan ang mga proyekto sa road transport sector na gagawin sa buong bansa sa susunod na taon. Noong nakaraang committee meeting sa finance ng Senado, naghain ng proposal ang DOTr para sa kanilang 2022 budget kung saan nila hiningi ang […]
-
Pagpapasara sa ilang tindahan ng face mask sa Maynila, ipinag-utos ni Yorme
Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagpapasara sa apat na tindahan ng face mask dahil sa overpricing. Kabilang ang mga tindahan na pinasasara ang Ambitrend Trading, Cloud 7 Store, Cathay Oriental Chinese Store at LVD Chinese Drug Store na nasa isang mall sa Divisoria. Matatandaang sinalakay noong Enero 31 ng […]
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]