• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paras puwede na sa PBA – Herrera

PARA kay AMA Online Education Titans coach Mark Herrera, handa na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’  Paras Jr. na si Andre Nicholas Paras.

 

 

Nagsumite ng aplikasyon nitong Disyembre 21 ang nakababatang Paras para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso 14.

 

 

May tatlong taon ng magkasama sina Herrera at 25 taong-gulang, 6-4 ang taas na basketbolista sa AMA makaraang maglaro rin ng huli sa University of the Philippines. Nakapag-PBA D-League (PBADL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na rin ang cager.

 

 

“Ready na ready na si Andre para sa PBA,” litanya ng basketball tactician kamakalawa.

 

 

Dinugtong pa ni Herrera na “almost all-around” player din ang foward.

“Solid na player si Andre at masuwerte ang makakakuha sa kanya,” panapos na sambit ni Herrera. (REC)

 

Other News
  • Sangkot droga, timbog

    ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]

  • Administrasyong Marcos, pangungunahan ang jail management summit

    PANGUNGUNAHAN ng gobyerno, sa pakikipagtulungan sa Korte Suprema at iba pang stakeholders ang jail decongestion summit sa Maynila.     Layon nito na makapagpalabas ng  comprehensive analysis sa  penal system sa bansa at tugunan ang  prison congestion problem sa bansa.     Sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, sinabi ni Justice […]

  • Malakanyang, pinangalanan ang mga bagong Marcos appointees sa DTI, NAP, DND

    INANUNSYO ng  Presidential Communications Office (PCO) ang bagong appointees ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ang mga bagong opisyal na itinalaga sa National Archives of the Philippines (NAP), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of National Defense (DND) ay sina: Victorino M. Manalo,  Executive Director ng NAP. Manalo,  humahawak ng […]