• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paras, Torralba at Cuno makakatulong — Racela

KUMPIYANSA si Raoul Cesar ‘Nash’ Racela sa tatlong bagitong hinugot ng Blacwater sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa nakalipas lang na buwan.

 

 

Nilarawan ng Bossing coach sina Andre Nicholas Alonzo Paras, Joshua Torralba at Rey Mark Auno na mga batang palaban, masipag mag-hustle at hindi lang sa opensa uubra kundi maging sa depensa rin.

 

 

Maaasahan aniya sa magkabilang dulo ng court ang tatlong bagong salta para sa prangkisang Dioceldo Sy kaya pinapirma na ito bago mag-Enhanced Community Quarantine sa COVID-19 sa kasalukuyang buwan.

 

 

Lagas si Rey Mark ‘Mac’ Belo sanhi ng Baser Amer trade buhat sa Manila Electric Company o Meralco kaya ipapanalpak sa  front court ng koponan ang 6-foot-4 na si Paras at 6-7 Acuno.

 

 

“Both are young bigs, utility guys,” panapos na hirit ng coach.

 

 

“They could give you different things.”

 

 

Isang guard naman ang 6-2 na si Torralba na magiging katuwang o kapalitan ni Amer sa backcourt pati nina Paul Desiderio at Diego Miguel Dario.

 

 

First pick ng koponang pabango sina Acuno at Torralba sa second round (14th at 15th overall) habang sa third round (27th overall), nadale ang ikalawang henerasyong Paras sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

 

 

Wala pang bagong petsa ang 46th PBA Philippine Cup 2021 opening na kinansela sa Ynares Center sa Antipolo sa buwang ito. Pagpapasyahan pa sa PBA Board of Governors meeting sa darating na Lunes, Abril 19 ang bagay. (REC)

Other News
  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • EUGENE, matagal nang kinukumbunsi si POKWANG na lumipat sa GMA Network

    MASAYA si Eugene Domingo nang finally raw ay Kapuso na ang close friend niyangsi Pokwang, na matagal na pala niyang kinukumbunsi na lumipat sa GMA Network at ngayon nga ay nangyari na iyon.     Hindi raw itinuturing ni Uge na kalaban ang kaibigan na mahusay namang talaga at hindi lamang pagpapatawa ang kaya nitong […]