Paratang ni VP Leni na na-bully ang kanyang mga anak dahil sa #NasaanAngPangulo, pinalagan ni Sec. Roque
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na binully niya ang mga anak ni Vice President Leni Robredo makaraang banggitin niya ang mga komento nila na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa social media.
Ayon kay Sec. Roque, sinabi lamang niya na nagsalita ang mga anak ng bise presidente sa isyu ng #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Ulysses sa bansa na malayo aniya sa pambu-bully.
Gayunman, dedma na lamang ang Malakanyang sa pasaring ni Robredo na binully ni Sec. Roque ang kanyang mga anak.
Kamakailan, inakusahan ni Sec. Roque ang mga anak ni Robredo na gumawa ng pag-atake sa pangulo sa kanilang mga Twitter posts.
Hindi na rin ikinagulat pa ng Malakanyang ang todong pagtanggi ni Robredo na siya ang nasa likod ng hashtag #NasaanAngPangulo.
Sinabi ni Sec. Roque, hayaan na lang ang Pangalawang Pangulo kung itananggi man nito ang kanyang kinalaman sa hashtag na nag-trending kamakailan.
Aminado si Sec. Roque na nairita si Pangulong Duterte sa naturang hashtag at hindi naman ito mapupuno kung wala itong pinanghahawakang impormasyon na si Robredo nga ang utak ng naturang pakulo.
Hindi naman maitatanggi na may track record si VP Leni na kung may makita itong pagkakataong birahin o pulaan ang Pangulo ay gagawin nito kesehodang may pandemya o kalamidad.
Paalala na lang ni Sec. Roque sa Pangalawang Pangulo, hindi ito ang panahon ng pamumulitika.
Ikinadismaya naman ito ng kampo ng bise presidente na inaanalyze umano ng pamahalaan ang tweets ng kanyang mga anak sa halip na mag-focus sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)
-
Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict
NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI nitong bagong taon. Sa mensahe ni Marcos sa kanyang social media, sinabi niya ang matinding pagkalungkot dahil sa nalaman ang pagpanaw ng Pope sa edad na 95 sa kanyang bahay sa Vatican. Nakikiisa umano ang Pilipinas sa pagdarasal para sa […]
-
‘The Innocents’ Trailer Takes a Dark Look at Kids With Superpowers
IN the Marvel universe, a child discovering their powers might soon get a visit from Professor Charles Xavier to tell them everything is going to be fine. In the European film The Innocents, however, discovering you have powers might be dangerous when there aren’t adults around to supervise – and maybe even if they […]
-
Duterte dinoble ang insentibo ng mga SEA Games medalists
KAGAYA ng inaasahan, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash bonus ang mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dinoble ng Presidente ang insentibong matatanggap ng mga SEA Games medalists sa ilalim ng Republic Act 10699 […]