• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pareho sila ni Melai na ayaw makulong sa loob: GABBI, na-shock at natakot nang i-anunsiyo ni Big Brother na papasok muna sa Bahay ni Kuya. 

NAPAKA-‘AWOKE’ ni Ivana Alawi sa mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Talagang ni-research niya pa raw kung ano ang dapat niyang suportahan.

Matagal na raw niyang naririnig ang AGAP Party List. Lalo na kapag may usaping mga smuggling, sa mga magsasaka. At ito raw ang gusto niyang suportahan na magagamit niya ang platform niya.
“I want to support an organization na pareho kami, which is, ang AGAP. Sila ang boses ng mga magsasaka, mga fishery, piggery, poultry, lahat po ‘yan,” sey niya.
Bakit nasa naturang sector ang puso niya?
“Kasi, sila po ang nagbibigay sa atin ng makakain. Sila po ang dahilan para mapapamura natin ang bigas, pagkain ng mga Filipino. Hindi naman lahat, kayang bumili ng napakamahal na bigas.
“Ako, hindi ko man nae-experience, but I feel what they feel. Kasi, gano’n ako, e. Gusto ko rin siyempreng makatulong. Pero, paano? ‘Eto po ang AGAP and I’m happy to support them.”
Sa isang banda, sinagot din ni Ivana sa ginanap na thanksgiving niya with the media ang hula ng isang psychic na lahat ng clues ay tila siya talaga ang tinutukoy. Nakatatakot na hula na mamamatay raw siya.
Nakarating daw ito kay Ivana, pero hindi raw siya natakot or anything. Sabi niya, “Well, hindi kasi ako takot. Lahat naman tayo, diyan talaga pupunta. At saka, wala namang nakakaalam, kahit sino kung kailan ang araw ng kamatayan ng isang tao.”
At kung last year nga ay nagkaroon ng ilang health issues si Ivana, ngayon daw ay okay na okay siya.
“I’m very, very good. I’m very, very healthy. Trangkaso lang dahil nga sobrang trabaho. But I’m okay, getting better.”
***
KITANG-KITA ang pagka-shock at takot din nang i-anunsiyo ni Big Brother o ni Kuya na papasok na muna ang bilang host sa Bahay ni Kuya. 
Siyempre, alam nilang kapag nasa loob na sila, baka ma-extend sila at hindi sila palabasin agad.
Si Gabbi Garcia, dinahilan na may taping daw siya.  Habang si Melai Cantiveros naman na naging Grand Winner na noon ay natakot na muling makulong sa bahay.
In fairness, pinalabas din naman agad sila. Parang wala pang overnight. Kaya nag-post si Melai ng picture kunsaan, nakitabi na siya sa mag-aama niyang sina Jason Francisco, Stella at Mela na mga natutulog pa.
Ang Instagram caption nga ni Melai, “Guys nakalabas na ako sa bahay ni kuya, di na ako naka-update kagabi kasi sa sala na ako hinintay at naglablab na agad kami ng mga La Maingay kung Familia.  
“Muntikan na kami kagabi, pa madaling araw na kaming pinalabas ni Big Brother and na Big Bother talaga ako kasi, pagkakaalam ko host ako e, yun ang usapan tapos naging housemate. Hahahaha. 
“Pero nakakagigil din kayu ate @iamsuperbianca and @iamrobidomingo d baaaa. Pero labyu Big Brother nakakamiss ka, pero ang pagkamiss ko sa yu, kaya n akita, e love from afar.”
Pero sa true lang, malaking bentahe ha kung isa pa rin si Melai sa mga makikigulo talaga sa mga housemates.

 

(ROSE GARCIA) 

Other News
  • Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

    Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos  sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang […]

  • DINGDONG at BIANCA, muling mapapanood sa Holy Week special ng ‘Magpakailanman’

    MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).       Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay […]

  • PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

    IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.     Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.     Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon […]