Parehong matapang at matulungin sa mga mahihirap: Sen. RAFFY at Sec. ERWIN, nagbukuhan sa ‘Korina Interviews’ ni KORINA
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
ANO nga ba ang meron sa Tulfo Brothers na may katumbas ng respeto ang kanilang pangalan at halos lahat ay nanginginig sa kanila?
“Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview ng magkasama!
“At ngayon Senador na si Raffy at DSWD Secretary na Erwin. Wow,” pahayag ni Korina Sanchez-Roxas.
Sa latest episode ng ‘Korina Interviews’ last Sunday (November 2) sa NET25, una ngang sinalang ang interview ni Ate Koring kay Idol Raffy.
Isa nga naibatong tanong ni Korina kung nakaka-frustrate ba ang maging isang Senador.
Pag-amin naman ni Sen. Raffy, “Medyo, kasi marami tayong batas kung tutuusin. We have so many good laws, ang problema lang ay ang implementations.
“Nandyan na ‘yun, kaya lang ang mga nakaupo, tamad, ayaw i-implement. Kaya nandun ako, para kumuha ng latigo, para-boom.”
Wala naman daw siyang tunay na latigo, kaya sabi ni Korina, pwede siyang magregalo, dahil meron siya sa kanyang bahay.
Doon daw nagagalit ang senador, kaya pinu-push niya at inilalabas ang mga problema, lalo na sa may kinalaman sa OFW at manggagawa.
Inamin din ng Senador sa ‘Korina Interviews’, na si Sec. Erwin ang favorite ng nanay nila kamukha ito ng kanilang tatay, pero siya naman ang favorite ng lola nila na kung saan sampu silang nagkakapatid, dahil kamukha raw siya ng kanyang lolo.
Pero sila naman ang pinaka-close sa magkakapatid, dahil magkasunod sila. Kaya pati ang first girlfriend ni Erwin at nabanggit ni Raffy.
Isa pa sa ibinahagi ni Sen. Raffy na siya ang pinakamahirap at dumaan sa butas ng karayom. Nakituloy siya sa iba’t-ibang kamag-anak para makapag-aral. Pati ang iba’t-ibang naging trabaho niya dito at maging sa Amerika, at hindi niya ikinahihiya.
Sa part naman si Sec. Erwin, inamin niya na disiplinarian ang kanilang 96-year mother, na half-Japanese, kaya mas takot silang magkakapatid, kahit na ang tatay nila isang militar. Na naging daan naman para maging matapang sila.
Hindi naman nasagot ni Erwin kung sino an fo ano name ng first gf ng Kuya Raffy niya, pero inamin niya na ‘crush ng bayan’ ito noong High School, kaya maraming naging syota.
Si Sen. Raffy din ang kenkoy sa buong pamilya, kahit corny na ang jokes nito, natatawa pa rin sila.
Sa bandang huli ng interview, ibinahagi rin niya kung paano sina napili ni Pres. BBM na maging kalihim ng DSWD at hindi naman siya nagdalawang-isip, kahit sobrang hirap ng magiging tungkulin niya.
Pareho ngang kilalang matapang at matulungin sa kapwa ang Tulfo Brothers, kaya maraming sumasaludo at nagpapasalamat sa magkapatid sa kanilang ginagawa. Dahil para nga silang hulog ng langit sa mga mahihirap, lalo na ngayong nasa tamang posisyon na sila sa gobyerno.
Panoorin muli ang kabuuan at alamin kung paano magbukuhan sina Raffy at Erwin sa ‘Korina Interviews’ sa Youtube channel ng NET 25 at sa ‘Rated Korina’ YT channel ni Korina.
(ROHN ROMULO)
-
VIOLA DAVIS, most-nominated Black actress sa history ng Academy Awards; ‘Mank’, pinakamaraming nominations sa ‘93rd Oscar Awards’
ANG pelikulang “Mank” ang nakakuha ng pinakamaraming nominations para sa 93rd Academy Awards or the Oscars. In-announce ang official list of nominees noong March 15 ng mag-asawang Nick Jonas at Priyanka Chopra-Jonas. Ten nominations ang nakuha ng black & white film na “Mank” including Best Picture, Actor in a Leading Role, […]
-
PBBM, aprubado ang shopping festival, pagpapagaan sa visa, immigration process
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Private Sector Advisory Council’s (PSAC) na maglunsad ng shopping festival sa buong bansa at pagaanin ang visa at immigration process para mas lalo pang mapalakas ang turismo sa Pilipinas. Ibinigay ng Pangulo ang kanyang go signal sa isang pagpupulong sa Palasyo ng […]
-
Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model
Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat. Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]