• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG

HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila.

 

Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., sa Ermnita.

 

Ayon kay P/Capt. Arnold Echalar, hepe ng MPD-GAIS, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Sarr at ng University Athletic Director Fr. Aldrin Suan kung saan kumukuha ng sports management ang star player.

 

Sa salaysay ng pari, kasalukuyan siyang nanonood ng tune-up ng laban ng AU at Perpetual University team nang dumating si Sarr.

 

Dito na umano iniabot ni Fr. Suan ang kanyang dismissal letter na labis naman ikinagalit ni Sarr.

 

Labis itong ikinagalit ng star player at nagawang suntukin sa dibdib ang pari saka kinuwelyuhan sabay sinabi sa harap ng maraming tao ang katagang: “who are you to do this to me?”

 

Dito na dumating ang kapatid ng dayuhan na si Abdul Asis Sarr kung saan sinigawan din ang pari.

 

Hanggang sa inawat na lamang ng ibang player ang magkapatid, saka nagsidatingan ang iba pang nakatalagang security guard na silang tumawag ng responde sa MPD-Ermita Police Station 5, saka ito itinurn over sa MPD-GAIS.
Si Sarr ang tumatayong import ng Adamson University. (Gene Adsuara)

Other News
  • HERBERT, good influence kay RUFFA kaya botong-boto si ANNABELLE

    MATAGAL nang pinag-uusapan kung sino ang ‘beautiful girlfriend’ ni Senatorial candidate Herbert Bautista, at maraming nagsasabi na si Ruffa Gutierrez daw iyon.     Pero ayaw umamin ni Herbert at mas mabuti raw kung si Annabelle Rama, mom ni Ruffa, ang tanungin, kaya naman ang nakulit ay si Jun Lalin, close friend ng mga Gutierrez. […]

  • Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media

    BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006.     Sa  throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers.     Kasama kasi ang makeover sa challenges […]

  • Wala pang gusto magsalita sa isyu ng hiwalayan: HEART, balitang aalis na at maninirahan sa Paris

    MATAGAL-TAGAL ding na-miss ng mga netizens si Kapuso actress Jean Garcia.       They are wondering kung bakit hindi raw yata gumagawa ang mahusay na actress-kontrabida ng teleserye.     Only to find out na matagal-tagal na pala siyang naka-lock-in taping para sa fantasy drama series na “Lolong” sa isang lugar sa Batangas.  Nagkaroon pa […]