Parks hindi ban sa PBA — Marcial
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi maba-ban si Bobby Ray Parks Jr. sa PBA.
Ito ang binigyan linaw ng pamunuan ng PBA kung saan tiniyak nitong walang ipapataw na ban sa Talk ’N Text guard.
Nagsulputan sa social media ang ilang larawan na umano’y binigyan ng ban ng PBA si Parks matapos ang ginawa nitong biglaang pagliban sa Season 46.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi napag-usapan sa anumang board meeting ng liga sa usapin patungkol sa “ban” kay Parks.
“Hindi namin napapag-usapan ‘yan (ban),” ani Marcial.
Subalit ipinaliwanag ni Marcial wala itong kontrol sa anumang desisyon ng Board of Governors sa pagkuha ng mga players.
Hindi nakikialam ang liga sa anumang desisyon ng team owners sa usapin sa pagkuha o pag-trade ng isang player.
Ang trabaho ng PBA ang mamagitan sa anumang mapagkakasunduan ng sinumang koponang nais mag-trade o kumuha ng players.
Nagsulputan ang usapin sa ban nang maglabas ng saloobin si PBA chairman Ricky Vargas patungkol kay Parks.
Sa ulat, hinamon nito si Parks na lumipat sa ibang team upang magkaalaman kung may kukuha rito.
Nag-umpisa ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng TNT at ni Parks nang magdesisyon ang huli na lumiban sa season na ito upang pagtuunan ang kanyang problemang pang-pamilya.
Subalit natuklasan ng TNT management na nasa La Union lamang ito at wala sa Amerika na una nang sinabi ni Parks sa kanyang paalam sa team.
-
Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll
MULING nahalal sa kanyang ikalawang termino si Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel habang ang kanyang anak na si Councilor-elect Nino Lacson-Noel ay pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod. Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Cong. Lacson-Noel sa lahat ng lokal na mga nanalo habang ipinahiwatig ang kanyang pagnanais na makipagtulungan sa bagong halal na […]
-
Women’s softball team kauna-unahang koponan na nasa Japan
Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics. Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17. Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at […]
-
Willing na maging parte ng show pag inoperan: SAMANTHA, concerned din sa isyung hinaharap ng ‘Eat Bulaga!’
DAHIL naging malaking bahagi si Samantha Lopez noon sa ‘Eat Bulaga!’ kung saan siya sumikat bilang si Graciaaa, kaya hiningan namin siya ng opinion tungkol sa isyung kinahaharap ng naturang top-rating noontime variety show. “I am concerned, pero wala pa akong nakakausap sa kanila.” Kung matuloy na may bagong programang papalit sa ‘Eat […]