Partnership ng HP-Miru hangad ang malinis, maayos na 2025 Elections
- Published on June 7, 2024
- by @peoplesbalita
HANGAD ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng fully automated, malinis, at maayos na 2025 Midterm Elections.
Katuwang ang HP, handa ang Miru na gawing katuparan ang hangaring ito sa tulong ng makabagong Miru Election Management System (EMS) at Automatic Counting Machine (ACM), na sinusuportahan ng HP PageWide Advantage 2200.
Sinabi ni Arnon Goldman, General Manager -APJ ng Industrial Print ng HP, na ang HP PageWide Advantage 22000 ay resulta ng mahigit isang dekadang teknolohiya na subok na sa maraming larangan.
Inilarawan niya ang makina bilang “efficient at versatile.” Madali rin itong i-upgrade at hindi matatapatan ang kakayahan nitong palakihin ang kita para mapalago ang print industry.
Iprinisinta ang test ballots na gawa ng HP sa Düsseldorf, Germany noong Hunyo 3 para sa MIRU-COMELEC Day sa pinakamalaking printing equipment exhibition sa mundo, ang DRUPA 2024.
Kabilang sa mga dumalo sina COMELEC Commissioner Rey Bulay at Philippines Consul Cecille Joyce Lao sa trade event para matiyak na ang kalidad ng sistema ay akma sa panuntunan ng poll body at sa pangangailangan ng mga Pilipino
Sa kanyang mensahe sa event, sinabi ni COMELEC Chairman, George Erwin Garcia na ito’y patunay ng malawak na epekto ng teknolohiya ng printing.
“Sa parte ng COMELEC, ang mga makabagong teknolohiya sa larangang ito ay nagbibigay buhay sa karapatan ng taumbayan na mamili ng kanilang tadhana,” wika pa ni Chairman Garcia.
“Investing in two new HP PageWide Advantage 2200, reaffirms our commitment to Philippine Commission on Election ensures a seamless electoral process, promoting transparency and reliability. Empowering COMELEC with real time data and insights to maintain confidence and integrity throughout the election period,” wika ni Mr. Ken Cho, Vice President, MIRU Systems nang tanungin ukol sa hangarin nitong ipatupad ang pinamataas na pamantayan ng teknolohiya at suporta para sa maayos at malinis na 2025 Midterm Elections.
-
NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO
HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto. Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019. NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa […]
-
Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”
PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad. Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA […]
-
Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, GOCCs
INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pinakabagong appointments sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at government-owned and -controlled corporations. Kasama sa mga bagong appointees sina: Department of Agriculture Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Assistant Secretary Celso C. Olido, Director III Maria Melba B. Wee, Director III Philippine Rubber Research Institute Cheryll L. […]