• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque

WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP).

 

“Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man lang follow up dahil kagaya nga po ng sinabi ni Senador (Richard) Gordon “paano naman yan .. papaimbestiga siya sa Senado pero wala iyong proponent, sino iyon magtatanong,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tila ipinamukha naman ni Sec. Roque kay Pacquiao na mali ang sistemang nais na itulak ng senador sa usaping kanyang pinalutang.

 

“Hindi po ganyan ang trabaho ng Senado. Dapat ay ayusin muna ang trabaho niya bilang isang senador, patunayan ang kanyang mga paratang dahil kung hindi politika lamang ang mga pinagsasabi ni Senator Pacquiao,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sa isang online media briefing, inilabas ni Pacquiao ang kanyang pasabog na korapsyon sa gobyerno at sinabing nasa 1.3 milyong benepisyaryo ng SAP ang hindi umano nakakuha ng tulong nga­yong may pandemya dulot ng COVID-19.

 

Kinuwestyon din ni Pacquiao ang paggamit ng e-wallet na Star Pay sa programa ng SAP.

 

Sinabi pa ni Pacquiao na nalulula siya sa korap­syon kung saan ang isyu pa lamang ay umaabot na sa P10.4 bilyon.

 

“Nalulula po ako. Doon po sa binanggit ko na isang isyu lamang P10.4 billion na po kaagad ‘yon. Malaking pera po,” ani Pacquiao.

 

Ayon sa senador, sa 1.8 milyon aniyang benepisyaryo ng SAP, nasa 500,000 lamang ang nakakagamit ng Stay Pay app. Kailangan aniyang i-download ang nasabing app para makuha ang kanilang benepisyo.

 

“Batay sa ating im­bestigasyon, lumalabas na sa inisiyal na disbursement sa Star Pay account para sa 1.8 million beneficiaries, na katumbas ng 14 billion… Bakit parang 1.8 million na binigyan ng SAP sa Star Pay ay 500,000 lamang po na katao ang na-download nito,” ani Pacquiao.

 

Dahil dito, balak ni Pacquiao na maghain ng isang resolusyon upang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang Star Pay.

 

Ibinunyag din ni Pacquiao na naglaan umano ang Department of Social Welfare and Development ng P50 bilyon para sa application gayong nasa P62,000 lamang ang kapital nito. (Daris Jose)

Other News
  • 14 DOTr projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion, nasayang dahil sa delays

    TINATAYANG 14 foreign-assisted Department of Transportation projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion ang nasayang dahil sa delayed implementation.     Makikita sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa DOTr taong 2021, ang mga proyektong ito ay tinamaan ng  mga sumusunod na problema gaya ng “change in project cost, procurement issues,budget and […]

  • Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon

    LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.     Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.     “Unemployment rate in January 2023 was […]

  • MAX, tiyak na makaka-relate sa bagong teleserye sa pinagdaraanan nila ni PANCHO

    SA Bataan ang lock-in taping ng bagong sinisimulang serye ng GMA-7, ang To Have and To Hold.     Nakakausap namin ang isa sa mga bida ng serye na si Max Collins at ayon dito, mga hanggang third week of June pa pala sila naka-lock-in.     Dahil sobrang higpit ng safety protocols, gusto sana […]