Pasahe sa rail lines di tataas; Pamimigay ng fuel subsidy may problema
- Published on March 21, 2022
- by @peoplesbalita
BINIGYAN diin ng Department of Transportation (DOTr) na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 2) at Philippine National Railways (PNR).
Ito ang binigay na kasiguraduhan ni undersecretary for railways Timothy Batan sa nakaraang Lagang Handa media briefing na ayon sa kanya ay siyang pinagutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
“It has been made certain in the order of Sec. Tugade to the railways sector that no fare hike will be considered,” wika ni Batan.
Kung kayat mananatili sa dati pa rin ang pamasahe sa MRT 3, LRT 1 at LRT 2 at PNR.
Samantala, iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na ang pondo para sa rollout ng tulong pangkabuhayan sa sektor ng transportasyon.
Ayon sa LTFRB, ang kanilang Service Contracting Program (SCP) na siyang isa sa pangunahing tulong ng pamahalaan para sa tumataas ng presyo ng krudo kasama rin ang binibigay na fuel subsidy ang siyang makakatulong kahit paano upang mabawasan ang mabigat na problema ng mga drivers at operators dahil sa restrictive cost ng diesel at gas.
Sa ilalim na nasabing programa, ang mga operators at drivers ay magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero at sila naman ay bibigyan ng compensation ng pamahalaan kada linggo. Ang pamahalaan din ang bahala sa mga gastusin sa gasolina, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead na gastos.
“That’s why we are pleading to the DBM to release the funds for this. They have committed to releasing the funds within seven days from the receipt of our submitted documents, which the LTFRB submitted last February but has yet to be approved,” sabi ng LTFRB.
Dagdag pa ng LTFRB na ang tulong na P6,500 fuel subsidy at ang mabilis na pagbibigay ng SCP ay malaki ang maitutulong kung kayat ang LTFRB ay umaasang mabibigay na ang pondo sa lalong madaling panahon.
Nagkakaron naman ng problema ang pamimigay ng fuel subsidy na P6,500 sa ibang mga operators at drivers dahil ang ibang units ay inaalis na sa listahan sapagkat ang mga units na nakarehistro sa dating operator ay binenta na ang nasabing unit sa ibang operator. Ito ay ayon sa national president ng Fejodap.
Nakararanas din ang mga meyembro ng Piston ng tulad ng sa Fejodap kung saan sila ay nahihirapan na kunin ang kanilang fuel subsidy.
“The claiming is very difficult because the LTFRB does not recognize the agreement in the deed of sale. For example, I sold my unit, which means my authority should be transferred to the new owner,” wika ni national president ng Piston Mody Floranda.
Ayon kay Floranda, ang nasabing issue ay naresolba na ng nakaraang hearing sa House of Representatives subalit and LTFRB at DOTr ay wala pang aksyon na ginagawa tungkol dito.
“Dirvers need to pass through needle eyes just to claim their subsidy. So, our question is, what happens to the allotted budget for the sold PUJ unit?” dagdag ni Floranda.
Habang ang iba naman miyembro ng Piston, Pasang Masda at Fejodap ay nakakuha na ng kanilang fuel subsidy. Ganon pa man, humihingi sila ng tulong sa pamahalaan na bigyan pansin ang nasabing problema.
Ang mga operators naman ng mga UV Express, taxi drivers, shuttle service, tourist service at app-based transport services ay makukuha nila ang kanilang fuel subsidy sa linggong ito.
May ibang mga tricycle drivers naman na nasa ilalim ng lokal na pamahalaan subalit kasama sa LTFRB fuel subsidy ang hindi pa nakatatangap sapagkat hindi pa nagbibigay ng buong listahan ang DILG at DTI. LASACMAR
-
ER ng private hospitals higit 100% puno na
Lagpas na sa 100% ang kapasidad sa operasyon ng maraming pribadong pagamutan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital pa nga ang nasa 130%-150% na ang operasyon ng mga […]
-
Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH
NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan. “Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga […]
-
PBBM itinalaga si Magno bilang MinDA chair
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Abellera Magno bilang bagong chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA). Pinalitan ni Magno si Chairman Maria Belen Sunga Acosta. Gayunman tumanggi naman si Acosta na iwan ang kanyang posisyon sa kabila ng pagpapalit ng liderato. […]