Pasig City Mayor Vico Sotto nagpositibo sa COVID-19
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI rin nakaligtas si Pasig City Mayor Vico Sotto sa banta na hatid ng COVID-19.
Sa kanyang social media posts ay ibinahagi ng alkalde ang kanyang malungkot na balita nang magpositibo ito sa nasabing virus at kasalukuyang nakararanas ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng katawan.
Ikinuwento pa niya na hindi siya nahawaan ng virus kahit na ilang beses na itong nagkaroon ng close contact sa mga taong may delta kabilang na ang kanya mismong driver.
Nagpapatunay lang aniya ito na matindi talaga ang pagkalat ng Omicron variant kung kaya’t patuloy niyang pinapaalalahanan ang publiko na palaging mag-ingat, magpalakas ng resistensya at maging responsable.
Pinayuhan din niya huwag munang lumabas at agad na sumailalim sa quarantine ang mga indibidwal na nakararamdam ng sintomas nito.
Samantala, magugunita na ilang mga opisyal na ng national at local government ang nagpositibo na rin sa COVID-19 tulad na lamang nina DILG Secretary Eduardo Año na pangatlong beses nang tinamaan ng nasabing virus, at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na pangalawang beses nang nagpositibor sa nasabing sakit.
-
ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye
SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram. Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion. […]
-
Muling nag-update sa kanyang kalusugan: KRIS, may malaking tsansa sa patuloy na paggaling
MULING nag-update si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan. Patuloy na nakikipaglaban sa kanyang multiple autoimmune disorderstulad ng mga kundisyon na autoimmune thyroiditis and Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) or Churg-Strauss Syndrome. Nitong lamang February 2, ilang araw bago ang kaarawan niya sa February 14, ibinahagi ni Kris na may […]
-
Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup
Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar. Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages. Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group […]