Passing mark ng US Homeland Security, nasungkit ng NAIA
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
NABIGYAN ng passing mark ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng United States Department Homeland Security (DHS) matapos ang mga nakaraang pagbagsak sa mga security deficiencies ng premier airport ng bansa.
Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong ang mga dumating na inspectors mula sa Transportation Security Administration (TSA), isang ahensiya ng DHS, ay satisfied sa mga improvement na ginawa sa security measures at technologies na nilagay sa NAIA matapos ang ginawang security audit.
“The TSA commended security improvements made by the government to guarantee the safety of air travelers from the Philippines to the United States and vice versa,” wika ng DOTr.
Ang mga TSA inspectors ay namangha sa mga high-technology security at screening equipment na ginagamit ngayon sa NAIA terminals tulad ng dual view x-raymachines na may automatic tray return system.
Isang epektibong kagamitan ang dual view x-ray machines upang mabawasanang mahabang pila sa security screening checkpoints.
“We appreciate the new technologies and equipment provided. We are gratefulwith the improvements made by the government, specifically in collaboration with the Office of Transport Security,” ayon kay TSA lead inspector Jose Liriano.
Ang TSA ay may authority sa security ng mga traveling public sa US.
Ang mga TSA auditors kasama ang mga national aviation security auditors mula sa OTS ay natapos ang audit ng terminals at US-bound airlines na may operasyon sa NAIA noong nakaraang linggo.
Kasama sa assessment ang areas tulad ng airport at aircraft security, aviation management, landside security, passenger at baggage screening, hold baggagechecks, access control, perimeter security, training ng mga security personnel at ang quality control measures.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang security improvements sa NAIA ay dahil sa coordination ng mga ahensiya ng DOTr tulad ng Manila International Airport Authority (MIAA) at OTS.
Nagbigay din ng assurance sa publiko si Tugade na ang mga improvement sa NAIA ay magiging tuluy-tuloy.
“Security is a commitment, it is a continuous process. While we are happy with this news, we must remember that the more important thing is that we sustain and improve our efforts to ensure the safety of air passengers,” ayon kay Tugade.
Maalala na noong 2018 ay nagkaroon ng advisory sa mga airlines na may flights sa Philippines na maging alerto ang mga pasahero dahil sa mga kakulangan sa securitymeasures sa NAIA matapos malaman ng DHS na ang airport ay hindi naglalagay at gumagamit ng security measures na naaayon sa standards na ginawa ng International Civil Aviation Organization. (LASACMAR)
-
11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS
ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]
-
Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte
INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic. Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). […]
-
Ex-Pope Benedict XVI nag-sorry sa mga biktima ng mga child abuse laban sa mga pari
HUMINGI ng kapatawaran si dating Poepe Benedict XVI dahil sa hindi agad nitong pagtugon sa mga child sex abuse noong ito ay namumuno pa bilang arsobispo ng Munich. Sa sulat ng 94-anyos na dating Santo Papa ay labis ito ng nalulungkot sa sinapit ng mga biktima. Dahil sa sobrang pagkadismaya aniya […]