• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8

 

 

Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa briefing na ang kampanya ngayon ay kakaiba sa karaniwang campaign rules pre-coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic dahil ang bawat aktibidad ay kailangang magkaroon ng pag-apruba ng bagong likhang National Comelec Campaign Committee, na ang pangunahing tungkulin ay i-regulate ang kampanya sa halalan sa ilalim ng new normal.

 

 

Ang komite ay pinamumunuan ni Commissioner Rey Bulay habang si David ang hepe ng secretariat nito. Binubuo ito ng Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.

 

 

Kaugnay sa “no physical contact”, sinabi ni David na ang mga kandidato ay hindi na papayagang pumasok sa mga bahay , beso-beso o pagyakap  sa publiko .Maging ang pakikipagkamay at pagse-selfie ay hindi rin pinapayagan.

 

 

Ipagbabawal din ang pagbibigay ng pagkain, tubig o anumang may halaga.

 

 

Bawal  din ang pagtitipon-tipon o pagdagsa ng maraming tao.

 

 

“So crowding is also forbidden especially maybe if the candidate is popular. Taking of selfies are also not allowed and it is always forbidden to give food or drink or anything of value now in the campaign,” ani David .

 

 

Idinagdag ni David na ang isa pang bagong regulasyon na ipapatupad ay para sa mga organizer ng mga in-person campaign, pagdaraos ng mga rally, caravan at iba pang campaign activities para makakuha ng permit mula sa Committee sa pamamagitan ng pag-aplay sa regional o provincial election offices kung saan gaganapin ang kanilang mga event.

 

 

Sa E-rallies naman, sinabi ng Comelec official na magsisimula na rin ang  live-streaming ng  rallies ng national candidates ngayong araw.

 

 

Aniya  nagkaroon sila ng pagpupulong nitong Lunes kung saan binigyang-diin nila ang mga kandidato at ang kanilang mga kinatawan kung paano gagawin ang livestreaming.

 

 

Araw-araw simula Pebrero 8, magkakaroon ng tatlong hanay ng mga kandidato bawat gabi kung saan bibigyan sila ng pagkakataong i-livestream ang kanilang mga campaign rally sa poll body’s e-channel via https://www.facebook.com/COMELECeRallyChannel.

 

 

Sa unang gabi, binubuo ng Group 1 ang presidential bets na si dating  National Security Adviser Norberto Gonzales, Senator Manny Pacquiao, at  Faisal Mangondato.

 

 

Samantala, ang Group 2  ay bubuuin nina Jose Montemayor, dating presidential spokesperson Ernesto Abella, at labor leader Leody de Guzman, na magsisimula sa Pebrero 9.

 

 

Para sa ikatlong grupo na binubuo nina Bise Presidente Leni Robredo, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senador Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno, ang kanilang mga e-rallies ay nakatakdang magsimulang ipalabas sa Pebrero 10.

 

 

Bibigyan naman ng 10 minuto ang bawat kandidato sa e-rallies

 

 

Para sa vice-presidential bets, ang pagpapalabas ng e-rallies para sa Group 1 na binubuo nina Manny Lopez, Dr. Willie Ong, at Rizalito David ay magsisimula sa Pebrero 8.

 

 

Nakatakda sa Pebrero 9 ang airing ng mga unang e-rallies nina Carlos Serapio, presidential daughter na si Sara Duterte-Carpio, at Representative Lito Atienza ng Group 2.

 

 

Magsisimula sa Pebrero 10 ang e-rally ng ikatlong grupo ng vice presidential bets na binubuo nina dating congressman Walden Bello, Senator Kiko Pangilinan, at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

 

 

Magkakaroon din ng 10-minute e-rally time slots ang mga  vice presidential candidates .

 

 

Para sa mga senatorial candidate at party-list organization, bawat gabi ay limang senatorial bets at limang party-list ay binibigyan ng tatlong minutong e-rally programs.

 

 

Pinayuhan naman ng Comelec ang publiko na bumisita lamang sa social media pages ng poll body para sa karagdagang mga impormasyon .

 

 

Ayon sa Comelec, nasa 10 kandidato ang tumatakbong panguloha ang siyam naman ang tumatakbo para sa vice presidential seat.

 

 

Nasa 64 senatorial aspirants naman ang  maglalaban-laban para sa 12 senatorial seats habang mayroong 178 party-list candidates. GENE ADSUARA

Other News
  • Barangay hall sa Navotas, ni-lockdown

    Pansamantalang isinailalim sa granular lockdown ang barangay hall ng Brgy. San Jose sa Navotas city simula 12am ng March 16, 2021 hanggang 11:59pm ng March 20.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isinailalim na rin sa RT-PCR swab test ang lahat ng mga opisyal at kawani ng barangay para sa kanilang kaligtasan at sa […]

  • Paulo at Michelle, marunong pa ring tumanaw ng loob sa network

    NAWALA na ang exclusive contracts ang lahat ng mga artista o tinatawag na network contract nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi nila inaprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa.   Ganito rin ang Star Magic talents na puwede silang tumanggap na ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala […]

  • Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts

    SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”.     Sabado ng […]