• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Paturok na kayo’: Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy

Nagpaturok ng kanyang “booster shot” laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit.

 

 

Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health (DOH) sa isang vaccination site sa SM City Manila.

 

 

“That’s why I’m here… I asked my son [Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos] to join me dahil… even younger people… to demonstrate how important it is to us na everybody get their booster,” ayon kay Bongbong kanina.

 

 

“Sapat naman ang suplay natin ng mga doses, na meron pa rin tayong parating. At tinitignan nga natin ‘yung bagong vaccine na baka sakali ito ‘yung pinaka-effective kontra dito sa ating mga bagong variant na hinaharap.”

 

 

“That is the reason I have come here today to highlight the importance of having the booster shot.” (Daris Jose)

Other News
  • Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran

    MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.     Ipinaalala ni Fernando sa […]

  • JASON, nagsisisi na sa pagboto kay Pangulong RODRIGO DUTERTE at humingi ng patawad sa sambayanan

    NAGSISISI si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte.     Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan.         “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” ang tweet ni Jason.     […]

  • KONGRESISTA SA CALOOCAN AT ILANG MGA KONSEHAL, SUMANIB SA AKSYON DEMOKRATIKO NI ISKO

    MULA sa Partido Liberal, sumanib sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na Aksyon Demokratiko si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice kasama ang ilang mga konsehal sa nasabing lungsod ngayong araw.       Pinangunahan ni Domagoso ang isinagawang “oath-taking ceremony” nina Erice at mga kasamang konsehal nito sa Kapetolyo na matatagpuan sa […]