Paulo at Michelle, marunong pa ring tumanaw ng loob sa network
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
NAWALA na ang exclusive contracts ang lahat ng mga artista o tinatawag na network contract nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi nila inaprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa.
Ganito rin ang Star Magic talents na puwede silang tumanggap na ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala ng caeer nila na si Ms. Mariolle Alberto at Mr. Johnny Manahan.
Marami kaming kilala na may mga show na sa ibang network, pero ang Star Magic pa rin ang nakikipag-negotiate para sa kanila, sa madaling salita, hindi pa rin nawala ang nasabing talent management ng ABS-CBN.
Ito rin ang katwiran nina Paulo Angeles at Michelle Vito na kasama sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano mula sa JRB Creatives.
Sa virtual mediacon ng dalawa ay natanong sila kung may mga offer silang natanggap.
“Secret,” tumawang sagot muna ni Paulo. “Ha, ha, siyempre meron.”
Hindi naman daw agad-agad ang mga offer nang magsara ang ABS-CBN, “matagal din.
“Hindi ko tinanggap kasi may show pa ako dito (Kapamilya network), siyempre priority din naman talaga muna,” katwiran ng aktor.
Pero kung wala raw siyang show ay posibleng tanggapin niya pero mananatili pa rin siyang Star Magic talent at hindi lilipat sa ibang manager.
“May Star Magic pa naman, so hindi (kailangan) lumipat,” saad ni Paulo.
At ang paliwanag naman ni Michelle tungkol sa offer sa kanya.
“Meron po, pero hindi pa puwede because may show, pero for me kasi hindi lang naman ‘yun ang reason because parang fresh pa ‘yung nangyari sa ABS-CBN and ang tagal ko with ABS, so I respect ‘yung mga bosses, I respect kung ano ‘yung nangyari sa situation, I respect ABS-CBN, so, ayokong madaliin po ‘yung decision ko or kung may opportunity sa iba ayoko muna po na tanggapin muna ‘coz ang dami pang nangyayari and pinag- uusapan pa and all so ayoko po munang makisabay and since nag-school din po ako ngayon so ayoko munang i-rush talaga (ang lahat).
“Kailangan munang okay lahat at makapag-move one lahat kasi ang dami pang artist, bosses and worker’s ng ABS-CBN na ang sakit pa sa kanila nu’ng nangyari so, I respect that po.”
Wala ring planong magpalit ng manager si Michelle, “may mga meetings kami with our handlers and bosses so for them naman po kasi since ‘yun nga ‘yung nangyari sa ABS may pandemic ngayon naiintindihan nila ‘yung part na kailangan naming magtrabaho kasi marami sa amin ang tumutulong sa fam- ily namin, may kailangan kaming gastusin o sustentuhan hindi po nila talaga kami pinipigilang mag-guest sa iba, magtrabaho sa ibang station.”
Nabanggit na kung may mga offer o opportunity ay kailangan lang ipaalam nina Michelle at Paulo ang lahat sa Star Magic para aware raw sa lahat ng mga nangyayari sa kanila.
At least marunong tumanaw pa rin sina Paulo at Michelle ng utang na loob sa network na nagpasikat sa kanila dahil hindi sila nagpalit ng manager.
‘Yung iba may mga show pa sa Kapamilya network, pero nagpalit na ng manager agad, hindi man lang naisip na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay hindi sila makikilala o sisikat.
Samantala, sina Paulo at Michelle ang magka-love team sa Ang Sa Iyo Ay Akin na dati nang magkaibigan kaya walang ilangan sa mga eksena nila at wala rin selosan na nangyayari since may kanya-kanya silang karelasyon.
Si Enzo Pineda ang boyfriend ni Michelle na nakasama niya sa programang Nang Ngumiti ang Langit noong 2019. (REGGEE BONOAN)
-
Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero
Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan. Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic […]
-
PH COVID-19 cases pumalo na sa 471,526; nadagdagan ng 886: DOH
Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases. “9 labs were not able to submit their data to […]
-
PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM
PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press […]