• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payo ni PDu30 sa kanyang successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan, “expression of frustration” lang – Roque

NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “expression of frustration” lang ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan.

 

“It should not be taken literally,” ayon kay Sec. Roque.

 

“I think tinututukan lang ni Presidente na napaka-embedded sa sistema ng gobyerno natin ang korapsyon na kung hindi mo tatanggalin ang lahat ng tao sa gobyerno ay baka hindi matigil,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nagpahayag ito ng matinding galit sa “endemic” corruption sa pamahaaan.

 

“You cannot stop corruption unless you overturn the government completely. If I were the next president if you think there is a need for you to change everybody in the system, then you declare martial law,” ani Pangulong Duterte.

 

“It’s an expression of frustration, kumbaga dahil talagang gustong-gusto niyang linisin ang gobyerno pero he could not do it in six years time, hindi naman po literally ibig sabihin kelangan pa mag martial law pa para diyan,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Sa ilalim ng 1987 Constitution, maaari lamang na mag-proklama n Batas Militar ang isang Pangulo sa mga situwasyon na may “foreign invasion” at rebelyon at malalagay sa panganib ang kaligtasan ng publiko. (Daris Jose)

Other News
  • Alyx Arumpac’s ‘Aswang’’, Eligible For Oscar Consideration

    ALYX Ayn Arumpac’s Aswang, a documentary on the government’s war on drugs, is eligible for consideration in the documentary feature category of the 93rd Academy Awards.       The film qualified after winning the prestigious White Goose Award at the 12th DMZ International Documentary Film Festival, Asia’s largest documentary festival, which took place in Goyang, Gyeonggi Province, Korea in September […]

  • Nakita raw nang mag-grocery sa isang mall sa Cebu: KAYE, dinenay ang lumabas na video na may mga bodyguard

    KUNG hindi mauudlot ang plano, mapapanood muli sa original station ng ABS-CBN 2 ang pambato nilang news program na “TV Patrol”.   Isang kapamilya insider ang nagkuwento sa amin na starting this week ay sa channel 2 na mapapanood ang premyadong news program ng network.     Nagkasundo na raw ang management ng ALL TV […]

  • Singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo, ibinababa ng Meralco

    NAG-ANUNSYO ang Meralco ng pababang pagsasaayos sa mga singil sa kuryente para sa Hulyo, kasunod ng mga sunod-sunod na buwan ng pagtaas, habang bumababa ang mga singil sa generation at transmission period.     Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na ibababa nito ang rates ng P0.72 kada kilowatt-hour (/kWh), na magdadala sa kabuuang rate […]