Payroll ng mga empleyado nananatiling ‘intact’ sa gitna ng napaulat na online banking fraud — DepEd
- Published on January 28, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na nananatiling “intact” ang payroll ng mga empleyado nito sa gitna ng insidente ng online banking scams na iniulat ng ilang mga guro.
“[The] DepEd payroll system is intact. It was not hacked,” ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook page noong Enero 25.
Ang pagtiyak na ito ni Sevilla ay kasunod ng reklamo at iniulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may ilang public school teachers ang nawalan ng kanilang pera dahil sa pag-“hacked” sa kanilang accounts sa ilalim ng Landbank of the Philippines (LBP).
Sinabi ni TDC na may 20 guro ang di umano’y naging biktima ng online banking fraud “as of Jan. 25.”
Humingi naman ng tulong sa DepEd ang nasabing grupo para lutasin ang bagay na ito.
Ani Sevilla, nang makarating ang report sa kanyang tanggapan ukol sa unauthorized transactions ay “we immediately informed the Landbank.”
Matapos na humingi ng paglilinaw mula sa bangko, sinabi ni Sevilla na walang hacking na nangyari.
“We are using our payroll system as it is and Landbank as well has assured us that their system is also intact or secured,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sevilla na ang online banking transactions ng kanilang personnel, kabilang na ang teachers and non-teaching staff, ay hindi mina-managed o wala sa pamamahala ng DepEd.
“We have to explain that ito pong nangyaring ito ay through the individual bank accounts of our employees,” ani Sevilla.
“It can happen to not just DepEd but to all of [the] account holders na gumagamit ng online system ng kanilang mga banko,” paliwanag nito.
Hindi aniya in- charge ang DepEd sa pagma-manage ng online bank accounts o transactions ng mga guro at iba pang empleyado.
Ang namamahala aniya ay ang bangko at ang mismong individual holders ng bank account.
“Ang gumagamit or nag-eenrol [ay] ang empleyado na magkaroon siya ng online system,” paliwanag ni Sevilla.
“Marami, during the COVID times, di na lumalabas ng bahay, magtra-transfer na lang ng payment or you give also money to your relatives or friends, yan po ang tulong ng online system,” dagdag na pahayag nito.
-
Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’
ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto. Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]
-
Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF
MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan. Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus. Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]
-
Mens football team mas gumanda na ang performance
IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan. Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand. Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto. […]