• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA 2nd conference tuloy!

Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports.

 

 

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga fo­reign imports na darating sa bansa.

 

 

Nauna nang nakipagpulong si Marcial kay DFA undersecretary Brigido Dulay para talakayin ang tungkol sa pagpasok ng mga imports.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang nagbibigay ng pahintulot sa lahat ng usapin patungkol sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Nagbigay na rin ng endorsement ang Games and Amusements Board (GAB) sa IATF para alalayan ang PBA.

 

 

Target sana ng PBA na masimulan ang reinforced conference sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

 

 

Pinagpaplanuhan pa ng PBA ang magiging setup ng second conference.

 

 

Kabilang na rito ang planong pagdaraos ng torneo sa National Capital Region lalo pa’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa rehiyon.

 

 

Nakababa na sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula sa dating mas mahigpit na Alert Level 4 at Enhanced Community Quarantine.

 

 

Wala pang linaw kung semi-bubble, full bubble o home-venue-home ang gagamitin sa edisyong ito.

 

 

Kani-kanya na ang iba’t ibang teams sa pagligaw ng mga napupusuan nitong mga imports.

 

 

Ilang teams ang nakapagkasa na ng kontrata habang ilan naman ang patuloy na kumakausap ng magiging reinforcement sa second conference.

 

 

Sariwa pa ang PBA sa matagumpay na pagdaraos ng PBA Season 46 Philippine Cup na pinagharian ng Talk  N Text Tropang Giga sa Bacolor, Pampanga.

 

 

Puntirya ng Tropang Giga na masundan ang matikas na ratsada nito sa second conference para maitarak ang back-to-back crown sa liga.

Other News
  • PBBM, Xi Jinping nagkita pero ‘di klaro kung natalakay West Philippine Sea

    MARAMING napagkasunduan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping patungkol sa kooperasyon sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit — pero kung napag-usapan ang agawan ng teritoryo sa South China Sea, hindi pa malinaw.     Ito’y kahit sinabi ni Marcos Jr. na gagawin niyang “top agenda” sa naturang bilateral meeting […]

  • Pfizer vaccine iturok sa mahihirap – Duterte

    Pinatitiyak ni Pangu­long Rodrigo Duterte na ibibigay sa mga mahihirap ang COVID-19 vaccine na gawa ng US-based Pfizer-BioNTech na nanggagaling sa   COVAX Facility.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay batay sa patakaran ng COVAX facility.     “Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga […]

  • Danilo Gallinari nag-OK sa 2-year deal sa Boston Celtics sa halagang $13.3-M

    PUMAYAG na umano ang free agent forward na si Danilo Gallinari para sa dalawang taon na kontrata sa Boston Celtics.     Ito ang kinumpirma ng kanyang agent na si Michael Tellen kung saan nagkasundo ang magkabilang panig sa $13.3 million deal.     Kabilang sa kontrata ay ang player option pagsapit ng second year […]