PBA dinadagsa na ulit
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
UNTI-UNTI nang dumaragsa ang mga fans sa venues ng PBA Season 46 Governors’ Cup.
Sa huling laro ng liga sa Smart Araneta Coliseum, umabot sa 6,502 ang nanood sa laban ng Barangay Ginebra at Rain or Shine noong Linggo.
Ito ang pinakamaraming bilang ng fans na nanood ng live sapul nang magsimula ang pandemya.
Ngayong nasa Alert Level 1 na ang buong National Capital Region, inihayag ng liga na nasa 100 percent capacity ang pinapayagan nitong makapanood ng live sa mga venues.
Kaya naman sinamantala ng mga fans na mapanood ng live ang kani-kanyang mga iniidolong players.
Huling nakatikim ng malaking bilang ng fans ang PBA noon pang Marso 8, 2020 sa laban ng San Miguel Beer at Magnolia sa Araneta kung saan umabot sa mahigit 11,000 ang mga nanood.
Pero dahil sa pandemya, isinara sa fans ang sumunod na kumperensiya — ang Philippine Cup na isinagawa sa isang full bubble setup sa Clark, Pampanga.
Nakabalik lamang ang live audience noong nakaraang taon nang magluwag ang restriction sa Metro Manila.
Umaasa ang pamunuan ng PBA na magtutuluy-tuloy na ang lahat lalo pa’t gumaganda na ang sitwasyon sa Pilipinas.
-
Ads February 1, 2020
-
Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso
NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual. Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual […]
-
Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa China-declared baselines sa Scarborough
PORMAL na binasura ng gobyerno ng Pilipinas ang Chinese-declared “baselines and base points” sa paligid ng Bajo de Masinloc (BDM o Scarborough Shoal). Ito ang pinakabagong pagpipilit ng Beijing para palakasin ang “illegal seizure” nito sa nasabing ‘feature’ na matatagpuan sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ). Sinabi ni Spokesperson Ma. Teresita […]