• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA gusto nang lumaraga sa June 15

Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15.

 

 

Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan.

 

 

“We are thinking of June 15,” ani Chua sa programang The Chasedown.

 

 

Kailangan lang aniyang maging maayos ang pagdaraos ng training at scrimmages ng mga PBA teams sa kanya-kanyang training venues upang magtuluy-tuloy na ito hanggang sa masimulan ang season.

 

 

Isa sa mga iniiwasan ng PBA ang pagkakaroon ng aberya sa training at scrimmages dahil ito ang posibleng maging dahilan para maantala ang pagsisimula ng liga.

 

 

Nais ng PBA na patunayan na maayos na naisasagawa ang ensayo ng mga teams para tuluyan nang payagan ng IATF ang pagsisimula ng season.

 

 

“We have to prove to them (IATF) na nag-eensayo kami, walang nahawa, wala lahat, para mapayagan na tayo. Nasa sa amin ‘yun. We have to prove to them na kaya namin ‘yung protocols, na maingat na maingat kami para kami makapaglaro,” ani Chua.

 

 

Kaya naman magiging mahigpit ang PBA sa pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng training venue ng bawat teams para masigurong ligtas ang lahat.

 

 

 

Una na rito ang regular na swab testing at matinding pagbabantay sa bawat ensayo dahil mabigat na parusa ang nakaabang sa oras na may lumabag sa patakaran.

 

 

“Wag silang maging kampante. Dapat lalo kaming maging strict. If we want to stay and play the game, kailangan talaga sundin natin ‘yung tama. Ituring nila ang liga na ito na pamilya nila. Ituring nila na tayo nabigyan ng tsansa, ‘wag na natin pakawalan,” ani Chua na umaasang matutuloy na ang pagbubukas ng liga sa kanilang target date upang maabot ang planong dalawang kumperensiya sa season na ito.

 

 

Kung makukumpleto na ang lahat ng requirements, makapagsisimula na ang training at scrimmages ng mga teams sa Mayo 18 o sa mas maaga pa.

Other News
  • TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco

    TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco ang mga award na nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR). Kasama ni Tiangco sina City Planning and Development Officer Engr.   Rufino M. Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport, Dr. […]

  • Ads February 26, 2022

  • Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army

    Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.   Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]