• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro

Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.

 

 

Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.

 

 

Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na sana ay payagan na silang magkaroon ng mga audience sa mga laro.

 

 

Napayagan na rin aniya ang mga sinehan kaya susubukan nilang makahingi ng permit para payagang magkaroon ng mga audience ang mga laro.

 

 

Magugunitang pinayagan lamang ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng mga contact-sports kapag ito ay isasagawa sa bubble-format.

Other News
  • Pasok din si Jillian sa show nila ni Beauty: Sen. BONG, ipinagmamalaki ang action-comedy series na pang-pelikula ang kalibre

    SEVEN episodes lang pala ang Season 3 ng action-comedy series na ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, na muling pagsasamahan Nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.     Magpa-pilot sa Disyembre 22, 2024, Linggo ng 7:15 P.M. sa GMA at magtatapos sa Pebrero 2, 2025.     Ipinakita sa trailer na may […]

  • Kamara sisilipin senior, PWD discounts ng Grab

    NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies.     Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng […]

  • NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER

    Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa.     Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng […]