PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga.
Ito ang malaking hamon sa pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa lumahok sa PBA draft.
Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga mahuhusay na manlalarong Pinoy upang kuhaning import o manlalaro sa kanilang basketball league.
Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, hindi umano banta sa liga ang paglalaro ng mga Pinoy sa ibang bansa.
“Hindi naman. It’s just a delay [in the draft],” ani Vargas. “Our rules [states] two years from eligibility. They have two years to join the PBA.”
Ayon kay Vargas, nasa desisyon na mga manlalaro kung gusto nilang subukan ang kanilang husay sa foreign countries kahit pa maganda ang offers sa PBA.
Matatandaang pumirma si Thirdy Ravena ng kontrata sa San-En Neophoenix sa Japan Professional Basketball League (B.League) kung saan inaasahan na rin ang paglalaro ni Calvin Abueva sa ibang bansa dahil mahigit isang taon na ay hindi pa siya pinapayagang maglaro sa liga matapos patawan ng parusang indefinite suspension
-
Ads September 29, 2021
-
Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight
Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics. Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na […]
-
Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court. Ayon sa PNP, may ilan […]