PBA naghahanda na sa restart
- Published on January 31, 2022
- by @peoplesbalita
PINAPLANTSA na ng pamunuan ng PBA ang lahat ng kakailanganin sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.
Wala pang eksaktong petsa na ibinigay ang PBA kung kailan ang resumption ng liga na posibleng maganap sa apat na venues na pinagpipiplian.
Ito ay ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Ynares Sports Center sa Pasig, Ynares Sports Arena sa Antipolo o sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ngunit habang naghihintay, sinisiguro ng liga na handa na ang lahat ng kailangan partikular na ang safety and health protocols na ipatutupad ng liga base sa regulasyon ng Games and Amusements Board at Inter-Agency Task Force.
Gaya ng dati, sasailalim sa test ang lahat ng players, coaches, officials at staff ng bawat team gayundin ang lahat ng staff ng PBA management committee.
Inaasahang magiging weekly pa rin ang paglalabas ng schedule ng mga laro.
Magiging mahigpit din ang liga sa pagpapatupad ng health protocols sa venue na gagamitin para manatiling ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).
Naging maluwag na ang liga noong Disyembre kung saan pinayagan nang makapanood sa venue ang mga fans na fully-vaccinated.
Subalit natigil ang lahat ng mga laro ng liga sa pagpasok ng Enero matapos ibalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Kaya naman wala munang live audience sa pagbabalik-aksyon ng kumperensiya kung inaasahang ibabalik ito sa oras na muling bumaba ang COVID-19 cases at ibalik sa mas maluwag na alert level ang rehiyon.
-
Higit 50-M Pilipino nakapagparehistro na sa national ID system – PSA
Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021. Ayon sa PSA, mahigit 50 million Pilipino ang tapos na sa kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong Disyembre 11. Mababatid na sa Step 2 Registration ay kailangan ng […]
-
Construction ng bagong Navotas Polytechnic Collage, sinimulan na
INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño. Ayon kay Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, […]
-
DBM, ipinalabas na ang budget para sa P7-K medical allowance ng mga gov’t workers
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget para sa medical allowance para ngayong para sa mga manggagawa sa gobyerno. “Na-release na rin po siya sa mga departments and agencies natin. May guidelines na rin po ‘yun. That’s the P7,000 per employee for their medical allowance,” ayon kay Budget Secretary Amenah […]