• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA naghahanda na sa season opening

Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan.

 

 

Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season.

 

 

Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito noong pumasok sa full bubble ang liga sa PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

 

 

Ngunit nais ni PBA commissioner Willie Marcial na masigurong nasa tamang direksiyon ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga players, coaches, officials at team staff.

 

 

Kailangan din aniyang nakalinya ang lahat sa patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force na nakasaad sa Joint Admi­nistrative Order na binuo ng Department of Health, Games and Amusements Board at Philippine Sports Commission.

 

 

niiwasan ng liga na magkaroon ng positive result sa reguar swab tes­ting na isasagawa habang tumatakbo ang liga.

 

 

Matatandaang napatigil ng ilang araw ang Philippine Cup noong nakaraang taon matapos may magpositibo sa loob ng bubble.

 

 

Maliban sa health protocols, inaayos na rin ang mga gagamiting venues sa oras na makakuha na ng go signal ang liga sa IATF.

 

 

Target na gamitin ang Ynares Center sa Antipolo City at ang Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Other News
  • Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

    PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.     Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.   […]

  • 2 linggong timeout na hiling ng medical frontliners, gagamitin ng pamahalaan sa pag-fine tune ng mga hakbang kontra Covid -19

    GAGAMITIN ng gobyerno ang 2 linggong “timeout” na hiniling ng mga medical frontliners para mag-fine tune o mag-recalibrate ng mga hakbang sa pagtugon ng bansa sa Covid -19 pandemic. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas paiigtingin ng gobyerno ngayon ang T3 o testing tracing at treatment sa mga Covid- 19 positive individuals. Sa kabilang […]

  • MADE OF PLASTIC, IT’S FANTASTIC! “BARBIE” TEASER TRAILER ARRIVES

    WARNER Bros. Pictures has just unveiled the teaser trailer of their eagerly anticipated comedy “Barbie” from director Greta Gerwig and starring Margot Robbie and Ryan Gosling.     Check out the trailer below and watch “Barbie” in cinemas across the Philippines on July 2023.     YouTube: https://youtu.be/KuoyHVe6QCU     Facebook: https://fb.watch/hsdh45W3TF/     About “Barbie”     […]