• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA naghahanda na sa season opening

Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan.

 

 

Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season.

 

 

Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito noong pumasok sa full bubble ang liga sa PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

 

 

Ngunit nais ni PBA commissioner Willie Marcial na masigurong nasa tamang direksiyon ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga players, coaches, officials at team staff.

 

 

Kailangan din aniyang nakalinya ang lahat sa patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force na nakasaad sa Joint Admi­nistrative Order na binuo ng Department of Health, Games and Amusements Board at Philippine Sports Commission.

 

 

niiwasan ng liga na magkaroon ng positive result sa reguar swab tes­ting na isasagawa habang tumatakbo ang liga.

 

 

Matatandaang napatigil ng ilang araw ang Philippine Cup noong nakaraang taon matapos may magpositibo sa loob ng bubble.

 

 

Maliban sa health protocols, inaayos na rin ang mga gagamiting venues sa oras na makakuha na ng go signal ang liga sa IATF.

 

 

Target na gamitin ang Ynares Center sa Antipolo City at ang Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Other News
  • LIFE HACK 101: ANG PINAKAMALUPIT NA SIKRETO UPANG IKAW AY YUMAMAN AT UMUNLAD SA BUHAY, ISA-ISAHIN!

    Alam ba ninyo na anumang simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay nagdidikta ng uri ng kapalaran at pamumuhay na magkakaroon tayo?   Ang simpleng pagliligpit lamang ng higaan sa umaga ay magsasabi na kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay. Oo. Dito mo masasabi kung ikaw ay nakatadhanang umasenso o hindi. Ang pagliligpit […]

  • PDu30, duda na kasama si Lorenzana sa nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government

    DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa anumang pagkilos para patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government.   Para kay Pangulong Duterte, isang malaking kalokohan na isipin pa ni Lorenzana ang magtatag ng revolutionary government at manguna na patalsikin siya sa puwesto.   “Do you think […]

  • TBA Studios’ ‘Dito at Doon’ (Here and There) to Have a World Premiere at Osaka Asian Film Festival

    JP Habac’s upcoming film Dito at Doon (Here and There) starring Janine Gutierrez and JC Santos, will  premiering at the 2021 Osaka Asian Film Festival in March.     The film will be screened at the Cine Libre Umeda in Osaka on March 9 and March 13 as part of the festival’s New Action! Southeast […]