• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.

 

Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, noong Huwebes pa nila naipadala sa IATF, partikular kay Health Sec. Francisco Duque III, ang sulat kaugnay sa apela.

 

Sa ngayon ay hinintay na lamang daw nila ang magiging tugon ng task force para makapagpatuloy na sila sa binabalangkas nilang mga plano.

 

Ngunit ayon kay Marcial, kung tanggihan daw ng IATF ang kanilang hiling, ito na rin umano marahil ang hudyat para pagdesisyunan na ang kapalaran ng ika-45 season.

 

“Doon namin dedesisyunan, katulad ng sinabi namin [na] by August, kung ano na ang mangyayari kasi kung practices baka hindi pa payagan,” wika ni Marcial.

 

“So talagang nakahintay kami kung ano ang gagawin ng gobyerno. Kung hindi papayagan ‘yun, kung hindi papayagan ang basketball, doon na tayo magdedesisyon sa August, kung mayroon pa tayong season o wala na.”

 

Una rito, tiniyak ni Marcial na mahigpit ang ipatutupad nilang safety protocols, na aprubado rin ng PBA Board of Governors.

 

Kumpiyansa si Marcial na pasok sa pamantayan ng IATF ang kanilang protocols, kung saan kabilang dito ang mahigpit na requirement kung saan kinakailangang sumailalim ang lahat ng mga players sa COVID-19.

 

Sa oras na mabigyan na ng go signal, sunod na target naman daw ng PBA ang pag-practice ng kada batch na binubuo ng anim na katao kung saan apat dito ay mga manlalaro, pero limitado lang sa conditioning.

Other News
  • JAMES MCAVOY IS TERRIFYING IN THE LATEST BLUMHOUSE THRILLER “SPEAK NO EVIL”

    A British family welcomes an American family to their idyllic farmhouse for the weekend, but the dream vacation soon turns into a nightmare in Speak No Evil. Playing the role of the charismatic, alpha-male host and head of the family Paddy is BAFTA award-winner James McAvoy(known for his role as the young Charles Xavier in […]

  • Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

    Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.   Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.   Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 […]

  • Pagpatay sa lady broadcaster, kinondena ng NPC

    KINONDENA ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang pagpatay sa isang babaeng broadcaster sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City ng sariling pinsan dahil umano sa away sa lupa.   Nagpaabot naman ng pakikiramay si NPC President Leonel “Boying” Abasola sa mga naulilang pamilya ni Maria Vilma Rodriguez , 56, isang Radio Anchor ng Emedia […]