PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.
Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Administrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus bubble.
Pinapayagan na ang maliliit na group session training at individual workouts sa NCR plus bubble subalit bawal pa ang contact sports gaya ng basketball.
Ngunit tiwala ang PBA at GAB na papayagan na ang training at scrimmages sa oras na maglabas ng panibagong quarantine restrictions sa lugar.
Kasalukyang nasa General Community Quarantine with some restrictions ang NCR plus bubble.
“There’s no clear indication yet,” ani PBA commissioner Willie Marcial.
Dahil sa restrictions, nagsasanay ang iba’t ibang teams sa labas ng NCR plus bubble gaya ng Batangas City, Ilocos Norte at Pampanga.
Ayok kay GAB chairman Baham Mitra, posibleng mapayagan na sa Hulyo 1 ang training resumption sa NCR.
Sa oras na makapag-ensayo na sa NCR plus bubble ang PBA teams, malaki ang posibilidad na makapagsimula na ang season ng liga sa Hulyo.
-
NBA: Pinalakas ni Domantas Sabonis ang Kings laban sa Warriors
Nagtala si Domantas Sabonis ng 26 puntos, 22 rebound at walong assist para tulungan ang Sacramento Kings na iposte ang 122-115 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors noong Linggo ng gabi. Nag-ambag si De’Aaron Fox ng 22 puntos, walong assist at tatlong steals at si Keegan Murray ay may 21 puntos at tatlong […]
-
Ads January 7, 2023
-
Opisyal na dineklara ng Forbes: TAYLOR SWIFT, kasama na sa listahan ng 2024 billionaires
OFFICIAL na dineklara ng Forbes ang pagkakasama ni Taylor Swift sa listahan ng billionaires ngayong 2024. Ayon sa Forbes: “The most famous newcomer is, of course, Taylor Swift, whose record-breaking, five-continent Eras Tour is the first to surpass $1 billion in revenue. The 34-year-old pop star amassed an estimated $1.1 billion fortune, based on earnings […]