PBA players, coaches officials nag-swab test na!
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Sumalang na sa swab test kahapon ang lahat ng players, coaches, staff at officials para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Pampanga.
Bahagi ng health protocols na ipinatutupad ng liga ang swab test bilang tugon sa nakasaad sa Join Administrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH.
Tuwing Lunes idaraos ang regular swab testing sa lahat ng involve sa Philippine Cup.
Inaasahang ilalabas na rin ang schedule ng liga para sa linggong ito.
Nakabase ang schedule sa magiging resulta ng test.
Sa oras na may magpositibo sa isang miyembro ng team, posibleng hindi muna isama ang naturang team sa weekly schedule hangga’t sumasailalim sa confirmatory test o quarantine.
Mas mahigpit ang PBA sa pagkakataong ito.
Ang mga maglalaro sa unang araw ng restart ay kailangan ding sumailalim sa panibagong antigen test sa umaga ng kanilang play date.
Bagong patakaran ito ng PBA para masiguro na ligtas ang lahat ng mga players lalo pa’t mabilis na kumakalat ang COVID-19 sa ngayon sa pamamagitan ng contact lamang.
Kaya naman magiging requirement na ang antigen bago ang laro dahil mas magiging mabilis ang hawaan sa isang contact sport tulad ng basketball sakaling may makalusot na positibo sa COVID-19.
Gaganapin ang mga laro sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 43) Story by Geraldine Monzon
NAGISING si Bernard na si Regine at hindi si Angela ang katabi niya sa kanilang kama. Nagulat siya nang makitang pareho silang naked. Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Nabigla si Bernard. Ngunit mas higit na nabigla si Bela. “D-Dad?” Namutla si Bernard. Hindi niya alam kung paano ang magiging […]
-
Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela
PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation. Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal […]
-
P175K shabu, nasabat sa tulak sa Malabon
ISANG bagong identified drug pusher ang timbig matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang […]