PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.
Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang ang dalawang panalo kontra sa South Korea,
“You look at these first three games and it’s really, really impressive for this team. This is really the next generation for me,” ani Alapag sa programang Smart Sports’ Hoops Life.
Subalit ibang usapan na ang World Cup na isang mataas na lebel ng kumpetisyon.
Personal na itong naranasan ni Alapag dahil bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nagpasiklab noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Malaki ang maitutulong ng PBA players partikular na sa leadership para lubos pang magabayan ang mga bagitong miyembro ng Gilas squad.
Ngunit ipinauubaya pa rin ni Alapag ang pagdedesisyon sa coaching staff na pinangungunahan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na siyang kasalukuyang head coach ng koponan.
-
Comelec sa international observers: ‘Hanggang obserba lang, ‘wag makisawsaw sa politika sa PH’
TINIYAK ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa grupo ng mga international observers na bibigyan sila ng sapat na access habang nag-oobserba ng halalan dito sa Pilipinas. Una nang hinarap ni Pangarungan ang mga dayuhang observers at ipinaliwanag sa kanila ang proseso ng pagboto sa Pilipinas at ang paggamit ng vote counting machines (VCMs). […]
-
“Magkapit-bisig tayo sa pagpapayabong ng pamanang ito” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS- Nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang mga kapwa Bulakenyo na ipagpatuloy ang pamana ng Singkaban Festival sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang linggong mga aktibidad na inilaan para ipagbunyi ang mayamang kultura at kalinangan ng Lalawigan ng Bulacan sa ginanap na Grand Opening sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa […]
-
Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader
Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC). Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]