• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat

WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.

 

 

Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.

 

 

Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon ang mga fans na makapanood ng live sa mga playing venues.

 

 

Subalit naudlot ang lahat matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

 

Dahil dito, ibinalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) gayundin ang ilang kalapit na probinsiya.

 

 

“Sayang nandun na yung momentum, e. Dire-diretso na sana tayo,” ani Marcial sa programang The Chasedown.

 

 

Wala pang pinal na desisyon kung kailan itutuloy ang liga.

 

 

“Hindi ako manghihinayang kung makakaligtas naman ang lahat. Para sa atin naman ito. Hindi ko isusugal yung safety ng mga tao para lang makalaro. Kaya humingi ako ng pasensiya sa team owners at sa go­vernors na sana maintindihin nila,” ani Marcial.

 

 

Sa ngayon, pinaplano pa ng PBA kung ano ang magiging susunod na aksyon nito.

 

 

Nakaantabay pa ang lahat sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan umabot na sa mahigit 33,000 ang mga tinatamaan ng COVID-19 kada araw.

 

 

Pinag-aaralan din ng liga kung babalik ito sa full bubble o semi bubble para ituloy ang season.

Other News
  • Ads February 7, 2020

  • Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA

    ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3.     Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na […]

  • 50K vaccinators ang kailangan sa COVID-19 vaccination ng priority sectors: DOH

    Tinatayang 50,000 vaccinators ang kakailanganin ng bansa sa oras na magsimula na ang rollout ng COVID-19 vaccine.     Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) sa gitna ng inaabangan nang pag-rolyo ng bakuna sa target na 70-million na Pilipino.     “Sa ngayon tinataya natin, based on the number of eligible individuals on […]