• October 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM admin mapapabuti ang kapakanan ng guro; Tiangco

INIHAYAG ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang pagpapalabas ng mga bagong alituntunin para sa flexible na oras ng pagtuturo sa ilalim ng MATATAG basic education curriculum ay magpapabuti sa kapakanan ng guro at makatutulong na mapalakas ang learning competencies ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

 

 

“I welcome the sustained efforts of the Department of Education to improve teacher welfare in the country, as directed by President Bongbong Marcos. Allowing flexibilities in teaching schedule will enable our teaching personnel the latitude in class preparation and instruction and will provide them options to adopt class schedules that are more responsive to the needs of our students,” ani Tiangco.

 

 

Gayunman, hinimok ni Rep. Tiangco ang Kagawaran ng Edukasyon na maging handa sa agarang pagmomonitor at pagsusuri sa epekto ng bagong pamamaraan sa mga estudyante.

 

 

“Kaya napakahalaga na masusing bantayan ang resulta ng mga reporma dahil kung makikita natin na hindi ito nakatutulong, mas mabilis tayong makagagawa ng pagbabago sa mga inisyatibo para sa edukasyon,” sabi niya.

 

 

Bilang Chair ng Committee on Information and Communications Technology, pinapurihan ni Rep. Tianco ang pagsisikap ng ahensiya sa pagpapahintulot sa online distance learning bilang paraan ng pagtuturo.

 

 

“We must leverage technology to address the diverse challenges facing our education sector. By embracing flexible delivery modalities, we can ensure broader access to quality instruction, especially in areas where in-person teaching may be difficult or impractical,” pahayag ng alkade.

 

 

Hinimok din niya ang ahensiya na tumuklas pa ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo, mga bagong curriculum, at materyales na magaggamit sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga estudyante.

 

 

“We have to recognize that children today consume information differently. If we take these realities into consideration, coupled with strong programs for our curriculum delivery and teacher development, we can breach the gap between instruction and learning,” aniya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 8, 2023

  • Lone bettor, naiuwi ang P29.7-M Grand Lotto jackpot price- PCSO

    NAPANALUNAN ng isang bettor ang P29.7 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw.     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, may isa pang tumaya na nanalo din naman ng halos P15.4 milyon na jackpot prize sa 6/42 Lotto draw.     Ang Grand Lotto draw ay nagbunga ng sumusunod na winning combination: 40-03-34-37-19-15, […]

  • Beijing, niresbakan ang US matapos siraan ang PH-China economic ties

    TINAWAGAN ng pansin ng Chinese Embassy sa Maynila ang Washington DC dahil sa paninira sa economic relations ng China sa Pilipinas.     Ang pahayag na ito ay tugon sa lumabas na ulat kung saan kinukuwestiyon ni State Department Undersecretary Victoria Nuland kung  talagang  aktuwal na nakalikha ng hanapbuhay  para sa mga Filipino ang pangako […]