PBBM, aprubado ang national innovation agenda
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., chairman National Innovation Council (NIC), ang National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.
Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at ang pagtatatag ng dynamic innovation ecosystem.
Ang Malakanyang, sa isinagawang 5th NIC meeting, ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon ang “rationale at features” ng NIASD.
“The future, even the near future, is expected to be volatile, uncertain, complex, and ambiguous. Developing a dynamic innovation ecosystem is critical to achieving our AmBisyon Natin 2040 of a matatag, maginhawa at panatag na buhay for all Filipinos,” ayon kay Edillon.
“The NIASD characterizes a dynamic innovation ecosystem as one that fosters a pervasive culture of innovation driven by market demands,” ayon sa PCO.
Pinabilis din ng estratehiya ang kolaborasyon sa pamamagitan ng “active, reliable, at useful platforms,” at nagbigay ng “innovation actors with the necessary facilities and resources to transform their ideas into innovative products and services.”
Idagdag pa rito, kinonekta ang innovator-entrepreneur sa potential investors at funders.
Para naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, vice-chairman ng NIC, ang pagtatatag ng dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies sa transformation agenda na kinilala ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 para makamit ang “prosperous, inclusive, at resilient society.”
“Chapter 8 of the PDP elaborates on this strategy by situating it within the continuum of research and development, innovation, technology adoption, then commercialization” ayon kay Balisacan.
Ang NIC ay may 25-member policy advisory body na binubuo ng 16 department secretaries at 7 executive members mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)
-
Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist
NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University. Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng […]
-
Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan
MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization. Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon […]
-
Toby Tiangco sa MMDA, talakayin ang legal action sa pinsala ng floodgate
HINILING ni Navotas Representative Toby Tiangco ang legal na aksyon laban sa kompanyang responsable sa pagkasira ng Tangos-Tanza Navigational Gate, kung saan binibigyang-diin ang agarang pangangailangan para sa pananagutan. Aniya, kung gumagana ang flood gate ay maaaring makontrol ng 81 pumping stations ng pamahalaang lungsod ang pagbaha. “In fact, during Ondoy, […]