PBBM at Blinken, nagkita, nagpulong sa Malakanyang
- Published on August 8, 2022
- by @peoplesbalita
SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022.
Naka-iskedyul kasi ang courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos.
Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa Malacañang guest book bago pa personal na makipagkita sa Chief Executive.
“The visit signifies the United States’ commitment as an ally to the Philippines, ayon sa kalatas ng US Embassy.
Nauna rito, sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ay agad siyang sinalubong ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs.
Sa kabilang dako, sinabi ng US State Department, pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Blinken ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recoveries.
Nakipagpulong din si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at pagkatapos ay nagkaroon ng press conference ng 1:00 ng hapon.
Naka-iskedyul din ang pagbisita ni Blinken sa COVID-19 Vaccination Clinic at dadalo sa COVID-19 Assistance Event sa Manila ng 1:55 ng hapon.
Habang nakikipagpulong si Blinken sa civil society groups na sumusuporta sa COVID-19 efforts sa Manila bandang 2:40 ng hapon.
Binisita rin ni Blinken ang clean energy fair at dadalo sa U.S. Trade and Development Agency Offshore Wind Grant Signing sa Manila ng 3:55 ng hapon.
Nagkaroon si Blinken ng meet and greet sa mga empleyado at pamilya ng U.S. Embassy Manila sa Manila ng 6:10 ng gabi.
Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas si Blinken. (Daris Jose)
-
Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup
KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar. Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation. Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar. Noong 2011 […]
-
P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD
Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government […]
-
NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas
NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong isulong ang bayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad. Personal din na bumisita sa lungsod si DILG Secretary Benhur […]