PBBM, binigyang direktiba ang lahat ng ahensiya ng pamahalan at LGUs
- Published on July 29, 2023
- by @peoplesbalita
IPINALABAS ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang Memorandum Circular No. 26, nagpapatibay sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040, binigyang direktiba at hinikayat ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs) na suportahan ang inisyatiba sa pamamagitan ng pagtatayo ng health facilities para sa kanilang nasasakupan.
“The PHFDP 2020-2040, which is annexed to this Circular, is hereby adopted,” ayon sa circular, ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may awtorisasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“In accordance with their respective mandates, all concerned agencies and instrumentalities of the National Government, including government-owned or -controlled corporations, are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to undertake efforts in support of the implementation of the PHFDP, and the plans and programs specified therein.” ang nakasaad pa rin sa MC.
Nakapaloob din sa circular na inaatasan nito ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na pagaanin at bilisan at tiyakin ang epektibong implementasyon ng PHFDP sa local level.
Inatasan din ang DOH na tulungan at suportahan ang LGUs sa pagsasalin ng plano sa long-term local health facility development plan, at makipag-ugnayan sa LGUs sa pagbalangkas sa polisiya para sa pagtatatag ng primary care provider networks at health care providers networks.
Imo-monitor din ng departamento ang implementasyon ng development plan ng local health facilities at hikayatin ang LGUs na pumasok sa public-private partnerships (PPPs) para tugunan ang puwang sa PHFDP sa tulong ng PPP Center.
Sa kabilang dako, magpapalabas naman ang DoH ng guidelines o alituntunin para sa epektibong implementasyon ng circular at maaaring mag- request ng tulong mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan at tanggapan sa pagbabalangkas ng alituntunin.
“Moreover, the DOH, in collaboration with the Department of Trade and Industry-Board of Investments and the Fiscal Incentives Review Board, shall study, formulate, and implement policies that will encourage both domestic and international enterprises from the private sector to invest in health facilities aimed at addressing gaps in the PHFDP,” ang nakasaad pa rin sa circular.
Ang implementasyon ng circular ay popondohan ng “existing appropriations” ng kani-kanilang ahensiya at LGUs.
Nilikha ng DOH ang PHFDP para magsilbi bilang overall strategy ng bansa para sa infrastructure at medical investment at sa huli ay tiyakin ang matibay na primary care at integrated health system para sa bawat Filipino, “consistent with the Republic Act (RA) No. 11223, or the Universal Health Care Act of 2019,” ayon sa Malakanyang.
Nakasaad naman sa RA No. 11223 na ” the State shall adopt a framework that fosters a whole-of-system, whole-of-government, whole-of-society approach in the development and implementation of health policies, programs and plans to ensure people-oriented approach in the delivery of health services.”
“The health plan operationalizes one of the strategies under the Philippine Development Plan 2023-2028, particularly on the promotion of human and social development by boosting health through an accessible, efficient, and strengthened health care system,” ayon pa rin sa Malakanyang. (Daris Jose)
-
Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya
LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon. […]
-
Pangarap ding makasama si Vilma sa movie: DINGDONG, ayaw magkomento tungkol sa pagtakbong Senador sa 2025 Elections
AYAW magkomento ni Box Office King Dingdong Dantes tungkol sa sinasabing pagtakbo niya bilang Senador sa 2025 elections. Isa kasi ang Kapuso aktor na sinasabing pambato ng oposisyon at base sa latest survey ay pasok si Dingdong sa magic 12. Kilala si Dingdong sa pagiging matulungin lalong-lalo na sa mga kapwa […]
-
DSWD, puspusan ang pamamahagi ng FFPs at iba pang kits sa mga apektado ng Bagyong Carina
WALANG patid ang pagpapaabot ng tulong at pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng Family Food Packs at iba’t ibang kits sa mga kababayan nating apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina. Ilan sa kanilang hinatiran ay ang mga bayan ng Odiongan at San Andres sa Romblon, at sa mga pamilya […]