PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas
Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.
Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na “developing the competitiveness of the country’s workforce will help the Marcos administration fulfill its goal of transforming the Philippine economy.”
Nag-prisenta naman ani Cruz-Angeles ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Commission on Higher Education (CHED) ng ilang reporma na magpapalakas sa human capital development.
“Ang DOLE naman, at TESDA, at CHED ay nag-discuss ng pag-upgrade ng skills of the Filipino workforce. Bahagi ito doon sa economic transformation program ng ating Pangulo,” wika ni Cruz-Angeles.
“Kasama po doon ‘yung educational aspect at isa po ito doon sa aspeto na ‘yun. So, both vocational skills training and expanding the skills of our workforce are part of the economic transformation of the President,” dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles. (Daris Jose)
-
Ads August 29, 2023
-
LA Tenorio sumailalim sa opera
KAHIT ang Iron Man, kailangan ding maglangis ng mga pumapalyang piyesa. Kaya si LA Tenorio, nagpasya na ipaopera na ang lumalang sports hernia na nakuha pa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup. Martes sumalang sa surgery ang Tinyente ng Ginebra, wala na sa sidelines sa 109-104 win ng team kontra Terrafirma sa Ynares Center-Antipolo […]
-
19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE
MAHIGIT 19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng […]