• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Czech PM Fiala nagkita sa Malakanyang para sa bilateral talks

DUMATING na sa Palasyo ng Malakanyang si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, araw ng Lunes para sa bilateral meeting kasama si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.

 

 

Sa katunayan, alas 4 ng hapon nang mainit na  salubungin at tanggapin ni Pangulong Marcos si Fiala sa Malakanyang.

 

 

Si Fiala ay  nasa Pilipinas ngayon para sa kanyang three-day official visit.

 

 

Siya ang pangalawang head of state na bumisita sa bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

Bitbit ang layon nito na palakasin ang  bilateral ties, inaasahan naman na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Fiala  ang iba’t ibang isyu  ng  mutual interest, kabilang na ang  defense cooperation, trade at investment, university linkages, judicial cooperation, at labor cooperation.

 

 

Inaasahan din na magpapalitan ang dalawang lider ng kani-kanilang pananaw ukol sa regional at international issues ng  common concern.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs na mahalaga ang pagbisita ni Fiala sa Pilipinas dahil naghahanda na ang dalawang bansa para  sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng pagsisimula ng bilateral relations sa pagitan ng Maynila at Prague sa Oktubre 5.

 

 

Matatandaang unang nagkita sina Pangulong Marcos at Fiala sa Brussels, Belgium  sa idinaos na commemorative summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at European Union (EU) noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

Sa nasabing panahon, pinag-usapan ng mga ito ang kooperasyon o pagtutulungan sa  security sector, kabilang na ang modernization program ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

“Philippine and Czech officials convened the Joint Defense Committee for the first time in 2019,” ayon sa DFA.

 

 

Sinabi pa nito na ang ugnayan ng Pilipinas sa  European states,  kabilang na ang  Czech Republic, ay “energized by mutual interests in upholding democracy and freedom, rule of law, peace and stability and human rights.”

 

 

“The ties between the two countries seemed to go way back, as according to an entry in the website of the Embassy of the Czech Republic in Manila, there were Czechoslovak nationals who volunteered to defend the Philippines during World War II, specifically in Bataan,” ayon sa ulat.

 

 

Kinokonsidera ang mga ito bilang tanging mamamayan na magsisilbi sa  United States Army Forces in the Far East (USAFFE) mula sa mga bansa na inokopa ng Nazi forces.  (Daris Jose)

Other News
  • Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE

    INAPRUBAHAN  na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.     Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners.   […]

  • Cebu Province nasa ilalim na ngayon ng GCQ “with heightened restrictions” hanggang Agosto 15

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.   Nire-classify din ang GCQ “with heightened restrictions status” ng Laguna at Aklan, […]

  • NET25’s Family-Oriented Film, “Monday First Screening,” Showing in 100 Cinemas Nationwide on August 30th

    NET25 Films proudly presents its inaugural cinematic masterpiece, “Monday First Screening,” a heartwarming and captivating tale that transcends generations and bring families closer.     This highly anticipated movie, designed to resonate with every member of the family, is set to light up screens nationwide starting August 30th.     “Monday First Screening,” is a […]