• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM dinipensahan ang pagbibigay ng zero budget sa Philhealth

DINEPENSAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang hindi pagbibigay ng zero budget sa Philhealth.

 

 

 

Sa panayam kay Pang. Marcos sa Malakanyang, kaniyang sinabi  na marami kasing reserbang pondo  ang  Philhealth na nagkakahalaga ng  P500 bilyong piso.

 

 

 

Ang serbisyo lamang ang kailangang pondohan ng Philhealth sa loob ng isang taon ay hindi aniya hihigit sa  P100 billion.

 

 

Ang gastusin naman aniya  ng Philhealth ay higit P100 bilyong piso lamang  kaya malaki pa rin  ang matitirang reserbang pondo nito.

 

 

Dahilan na binawi ng Department of Finance ang pondo ng Philhealth dahil sa nagdaan aniyang dalawang taon ay malaki ang hindi nagamit dito.

 

 

Dahil dito ang subsidiya aniya ng gobyerno sa Philhealth ay nati tengga lamang sa bank account nito.

 

 

Naniniwala ang pangulo na kayang kaya ng philhealth na tugunan  at sustensuhan ang lahat ng kanilang gastusin, serbisyo at pangangailangan. (Daris Jose)

Other News
  • MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit

    NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens.     Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.     May mga […]

  • Mark ‘Magnifico’ Magsayo, bagong mukha ng ‘Laban Lang’ campaign

    MATAPOS masungkit ang WBC featherweight belt noong nakaraang Enero, tuluyan nang namayagpag ang pangalang Mark “Magnifico” Magsayo hindi lamang sa mundo ng boxing kundi sa buong sports community.     At ngayon, mas lalo pang makikilala ang husay at lakas ng isang Pilipinong mandirigma lalo pa at isa na siya sa mga kumakatawan sa “Laban […]

  • COMELEC BINATIKOS SA BAKLAS POSTER

    UMANI ng batikos ang Commission on Elections (Comelec)  matapos mag-viral sa social media ang ilang video ng mga enforcer nito na nagbabaklas sa mga campaign materials sa mga pribadong pag-aari, kung saan inilarawan ng ilan ang mga insidente bilang “trespassing” at pagsugpo sa malayang pananalita.     Ito ay matapos na pagbabaklasin  ng Comelec Oplan […]