• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, dumating na sa LAO PDR para sa ASEAN SUMMIT

DUMATING na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Wattay International Airport para sa four-day 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic of Republic.

 

 

Dumating ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa airport ng  *3:16 PM* local time.
Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to Lao PDR, Deena Joy Amatong, kasama ang ibang opisyal mula sa Philippine Embassy sa Vientiane.
Kasama rin sa nag-welcome kay Pangulong Marcos at sa delegasyon nito sina Lao PDR Minister of Mining and Energy Phoxay Xayasone at ang kanyang asawa na si Phonethida Sayida kasama sina Ministry of Foreign Affairs Director-General for Consular Department Soulisack Soulinthone at Protocol Department Deputy Director-General Outtama Sithiphong.
Diretso mula sa airport, kaagad na makapupulong ni Pangulong Marcos ang Filipino community sa Lao PDR kung saan ay inaasahan na muli nitong pagtitibayin ang commitment na tiyakin ang kanilang kapakanan at mga mahal sa buhay sa Pilipinas. (Daris Jose)
Other News
  • President-elect Marcos inatasan si VP-elect Sara na i-review ang implementasyon ng K-12 education system

    INATASAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd secretary at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na i-review ang implementasyon ng kontrobersiyal na K-12 education system sa bansa.     Ayon kay VP Sara, kailangan na mapag-usapan muna ang panukalang buwagin ang K-12 education system dahil isa itong isyu na hindi dapat pinagdedesisyunan ng mabilisan.   […]

  • Libreng sakay sa PUVs, aarangkada na

    AARANGKADA na ngayong  Lunes (Abril 11) ang libreng sakay sa pampasaherong sasakyan sa pagpapatupad ng service contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).     Gayunman, ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na bagama’t sisimulan na bukas ang  naturang programa ito ay magiging  gradual pa lamang at hindi pa sakop […]

  • Ilang mga sektor ng lipunan, inihanay ni PBBM sa mga tinaguriang makabagong bayani

    ISINAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Ilang sektor ng lipunan sa hanay ng mga  makabagong bayani. Sa nging mensahe ng Pangulo sa ika-159 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi nitong kayang gawin ng bawat isa na maging pinakamahusay na uri ng kanyang sarili. Winika ng Pangulo na magagawa aniya ito katuwang ang […]