• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas.

 

 

“The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.

 

Habang nasa Gulf State, makakapulong ng Pangulo ang kanyang counterpart na si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.

 

Inaasahan naman na may kasunduan na pipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa habang nakabisita ang Pangulo (Marcos).

 

Sa kanilang dako, sinabi ng PCO na sisimulan ni Pangulong Marcos ang one-day working visit sa Gulf state na may “a high purpose” na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at UAE.

 

Samantala, pinaliit na lamang ng delegasyon na kasama ng Pangulo sa byaheng ito “to the barest minimum” dahil nais ng Chief Executive na kagyat na bumalk ng Maynila para ipagpatuloy ang kanyang “personal supervision and inspection of the relief and reconstruction activities in communities devastated by six successive typhoons.” (Daris Jose)

Other News
  • Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

    HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.   Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.   “At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito […]

  • DOTr: Subway Project 26% complete

    Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027.       “The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the […]

  • Naire-record na average COVID test kada araw, umakyat na sa 10,000

    UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno.   Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng  datos na ipinresenta nito na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa Corona virus test.   Ayon kay Galvez, […]